^

Punto Mo

Ano ang gagawin kung mas maliit ang lupang nabili mula sa napagkasunduan sa kontrata?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Atty.,

Bumili po ako ng lote at ­sinimulan ko na po ang pagpapatayo ng isang gusali para sa aking bagong ne­gosyo. Napansin po ng kontratista na magtatayo ng gusali na parang hindi tugma ang sukat ng lupa na nakasaad sa deed of sale at ang aktwal na sukat nito. Upang makasigurado, kumuha po ako ng geodetic engineer upang magsagawa ng relocation survey sa lote at nakumpirma nga po na ilang square meters ang kulang sa lupang nabili ko. Ano po ba ang maari kong gawin?

Mike

Dear Mike,

Ayon sa Article 1539 ng Civil Code, kung nakasaad sa deed of sale ang sukat ng lupang ibinenta, may obligasyon ang nagbenta na i-deliver sa bumili ang lahat ng nakasaad sa kontrata. Kung hindi tumupad ang nagbenta sa karampatang obligasyon niya katulad ng pag-dedeliver ng lupa na hindi alinsunod ang sukat sa deed of sale, maari niyang hingin ang kakulangang sukat mula sa nagbenta.

Kung hindi naman posible na ibigay ang kulang na lupa, mayroon dalawang option ang bumili ng lupa. Una, maaring hilingin ng bumili na ibalik sa kanya ang bahagi ng kanyang naibayad na katumbas ng kulang na lupa. Pangalawa, maari rin niyang isauli na lang ang lupa kapalit ng kanyang naibayad.

Kaya sa kaso mo, maaring hilingin na ibigay sa iyo ng nagbenta ang kulang na sukat ng lupa at kung hindi ito posible ay maari mo namang singilin ang sobra mong naibayad batay sa presyo na inyong napagkasunduan.

Maari mo ring piliin na huwag na lang ituloy ang bentahan at ibalik mo na lang ang lupa sa nagbenta at ibalik na lang niya ang ibinayad mo. Ito na ang pinaka-praktikal na maari mong gawin lalo na kung ang isa sa mga pangunahing dahilan mo sa pagbili ng nasabing lupa ay ang sukat nito at hindi mo sana ito binili kung alam mo lang na kulang ang lawak nito.

vuukle comment

LUPANG NABILI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with