‘TV’
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - September 29, 2019 - 12:00am

NAALAALA ko pa noong bago pa lang nauuso ang TV set sa aming probinsiya. Sa aming kalye ay tatlo lang ang nagmamay-ari ng TV set. Ang dalawa ay may malaki at mataas na bakod kaya walang chance na sumilip at panakaw na makipa­nood ng telebisyon. Ang isang may-ari ng TV set na puwedeng makipanood pero required na bumili ng popsicle na itinitinda nila ay pamilya ni Marlyn.

Si Marlyn ay kasingtanda ko at schoolmate sa elementary. Siya ang taga-tsek kung sino sa mga nakikipanood ang hindi pa nakakapagbigay ng entrance fee na 10 centavos na ang kapalit ay popsicle. Minsan ay kailangan naming manood ng Tawag ng Tanghalan dahil isa sa contestant ay aming kapitbahay. Tumakbo kaming magkapatid sa bahay ni Marlyn, kumuha ng magandang puwesto sa bintana at sabik na hinintay ang paglabas sa TV ng aming kapitbahay. Nang tinawag na ang pangalan ng aming kapitbahay ng host ng Tawag ng Tanghalan ay biglang humarang sa aming harapan si Marlyn.

Inilahad nito ang kanyang dalawang palad sa harap ng pagmumukha naming magkapatid sabay sabing, “Bayad ninyong magkapatid!”

Ang problema’y wala kaming pera. Nakiusap ako na utang muna at kinabukasan ko siya babayaran. Kasagut-sagot ba naman ay “Bukas na lang kayo manood. ‘Di puwede ang utang.”

Kung may kababayan kaming nagiging contestant sa mga paligsahan sa telebisyon, kawawa ka kapag ‘di mo siya napanood dahil halos ilang araw na iyon ang topic sa mga umpukan lalo na kung nanalo pa ito sa contest.

Isinara ni Marlyn ang kanilang bintana para hindi kami makapanood. Pakiramdam ko ay kami na yata ang pinakakawawang bata nang oras na iyon. Isang pangako ang nabuo sa aking puso—Gaganti ako sa babaing ‘yun!

(Itutuloy)

TV
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with