^

Punto Mo

Babae sa China, binuksan ang emergency exit ng eroplano para sa ‘fresh air’

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae sa China ang nagdulot ng pagkaantala ng isang flight matapos niyang buksan ang emergency door ng eroplano para raw “fresh air” noong nakaraang Lunes (Setyembre 23).

Pa-take off na sana  ang Xiamen Airlines mula Wuhan papuntang Lanzhou nang mangyari ang insidente.

Sinabihan na ng isang flight attendant ang mga pasaherong nakapuwesto malapit sa mga emergency exits na huwag na huwag pipindutin ang mga button na nagpapabukas sa mga ito ngunit isang babae pa rin ang matigas na ulong hindi sumunod sa paalala.

Ayon sa babae ay masyado raw kulob sa loob ng eroplano kaya binuksan niya ang emergency exit para sa preskong hangin.

Isang oras tuloy na na-delay ang flight. Binitbit naman ng mga police ang babae para kuwestiyunin sa kanyang ginawa.

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with