Ninja cops, pangalanan para ituro ng madlang public
QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - September 26, 2019 - 12:00am

LABAS-PASOK sa Philippines my Philippines going abroad ang tinaguriang ‘drug queen’ na diumano’y si alias Manila Barangay Captain Guia Gomez Castro?

Itinago ang pangalan ng sinasabing drug queen sa madlang Pinoy pero nang naiipit na ang mga autoridad ay pumiyok na rin sila at binanggit ang pangalan umano ni Castro.

Ang nakakatawa pa pinaalis muna si Castro ng Philippines my Philippines bago tinukoy na ito nga ang diumano’y drug queen?

Bakit?

Itanong ninyo sa mga authorities.

Ayon sa impormasyon, marami pang buhay na mga big time druglords sa Philippines my Philippines kabilang dito ang mga ‘ninja cops’ na up to now ay ayaw pa rin pangalanan ng mga authorities.

Sabi nga, mga police officials, PDEA at mga Senador!

Nagtuturuan ang PDEA at PNP tungkol sa pangalan ng mga ninja cops.

Ika nga, ng PDEA, kayo ang kumanta sa mga pangalan nila dahil mas kilala ninyo ang mga iyan. Sa parte, ng police, kayo ang magturo dahil mas kabisado ninyo ang lakad nila porke kayo ang bumuburiki sa lalim ng trabaho ng mga ninja cops.

Bakit ayaw pang ikanta ang mga ninja cops?

Binibigyan pa rin ba sila ng proteksyon ng higher ups?

Paano tutulong ang madlang public para ituro kung alam nila ang mga lungga ng ninja cops dahil ayaw nila itong pangalanan.

Bakit nga ba ?

Ang mga sinasabi ng mga autoridad kumakunti ang mga ninja cops dahil ang iba sa kanila ay napatay, ang iba naman ay hindi na mga pulis ang iba ay nasa abroad na.

Tanong - bakit hindi pa rin nila pangalanan ang mga ito ?

Kambiyo issue, Sinabi ng BI si Castro ay pinalabas maakalis going abroad dahil wala itong derogatory records sa kanila.

Sinasabing si Castro, ay dumating noong Sept. 18, 2019, sa Manila galing Vancouver, Canada. Umalis itong muli noni Sept. 21 satay ng CebPac flight 5J 931 papuntang Bangkok, Thailand.

Naku ha !

Ano sa palagay ninyo ang mga istilo ng mga autoridad ?

Abandon.

NINJA COPS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with