^

Punto Mo

Sugar Mommy (153)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI makakilos sa kinatatayuan si Jericho nang makita si Nadine. Sigurado siyang si Nadine ang nakita. Kahit na naka-abaya pa, hindi niya malilimutan ang maamong mukha ng dating nakarelasyon. Nakapanganak na siguro ito dahil slim na ang katawan. Narito na naman pala sa Riyadh si Nadine.

Ilang sandaling nag-isip si Jericho kung hahabulin si Nadine. Pero sa dakong huli, nakapag-isip siya. Bakit pa? Muntik na nga siyang maloko ng babaing iyon kaya bakit pa niya hahabulin. Hindi ang katulad ni Nadine ang dapat habulin.

Pinagmasdan na lamang niya ang paglayo nito hanggang sa mawala sa karamihan ng mga Pinoy na naglalakad sa may Al-Rahji Bank. Siguro’y sa dating ospital din ito nagtatrabaho. At posibleng sa dating tirahan din. Hula ni Jericho, kaya umuwi ay para lang manganak. At tiyak na walang tatay ang ipinanganak nito dahil may asawa ang nakabuntis. Kawawang Nadine. At saka napangiti nang mapakla. Kung nagkataon kasi, siya ang magiging ama ng ipinanganak nito. Wala siyang kamalay-malay na ipaaako sa kanya ang ipinagbubuntis. Mabuti na rin lang at hindi niya ito “nagalaw’’. Kung “nagalaw” niya, tiyak na ipaaako talaga ang pinagbubuntis dahil lalabas na siya ang ama. Kawawa sana siya. Magpapakain nang hindi niya laman at dugo.

Pagdating sa kanilang tinitirahang villa, agad niyang ikinuwento sa roommate na si Leo ang tungkol sa pagkakita niya kay Nadine sa Batha. Gulat na gulat at hindi makapaniwala si Leo.

“Talagang si Nadine ang nakita mo, Bro?’’

“Oo, Leo. Hindi ako maa­aring magkamali. Siya yun.’’

“Anong itsura? Buntis ba?’’

“Siyempre nanganak na ‘yun. Slim na slim nga e.’’

“A oo nga. Ilang buwan na nga pala ang nakalilipas.’’

“Mag-iisang taon na Leo. Nakapagbakasyon na nga ako di ba.’’

‘‘A oo. Ang bilis ng panahon.’’

“Pero ang bilis niyang nakabalik, Leo.’’

“Kailangang-kailangan kasi ang nurse dito.’’

“Hahabulin ko sana siya pero umatras ako. Nakapag-isip ako.’’

“Tama ang ginawa mo. Huwag mo nang pag-aksa-yahan pa si Nadine. Sundin mo ako. Nakita mo na naman ang gagawin sana sa’yo. Bibiktimahin ka sana. Kalimutan mo na siya, Bro.’’

Napahinga si Jericho.

Tumango lang siya.

Tama si Leo, hindi dapat pag-aksayahan ng oras si Nadine. Mas maganda kung kay Jane na lang siya mag-aksaya ng oras.

 (Itutuloy) 

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with