^

Punto Mo

MMDA vs HPG sa EDSA

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

MUKHANG may hidwaan ang MMDA traffic enforcers at ilang tauhan ng PNP - HPG, manning traffic sa EDSA, dahil imbes na gumanda ang daloy ng trapiko dito ay lalong lumala.

Sabi nga, mas tumindi ang traffic for the past days already !

Bakit?

Mukhang nasasabotahe?

May kinalaman kaya ito sa koleksyon o kalakaran sa mga pampublikong sasakyan sa EDSA?

Naku ha!

Ano ba ito?

‘Ito kaya ang pinag-aawayan nila?’ 

Naku ha!

Simula noong Monday hanggang yesterday ay  lumala at humaba pa ang traffic sa EDSA.

Ika nga, umabot pa up to SM North ?

Lalong nagkabuhol-buhol ang mga sasakyan dito at parang iniwan at ipinarada na lamang nila ang kanilang mga vehicles sa EDSA kung titignan?

Nagkahetot-hetot ang halos lahat ng mga sasakyang dumadaan dito at naapektuhan din ang mga secondary roads palabas at papasok ng EDSA.

Ano ba ‘yan?

Ano kaya ang naging problema ng dalawa?

Tsapit kaya ?

Walang nakitang mga MMDA traffic enforcers na aalalay dapat sa HPG the other day.

“May kasunduan kasing magtutulungan ang dalawang ahensiya ng gobierno para kahit papaano ay malutas o maibsan ang traffic sa EDSA.’ 

Perwisyo at kabuwisitan ang naranasan ng madlang public sa grabeng traffic sa EDSA,

Ano kaya ang masasabi dito ng pamunuan ng PNP - HPG at siempre ang MMDA ?

Mukhang matindi ang tampuhan nilang dalawa ?

Ang madlang public ang pumapasan ng krus sa problema ng traffic sa EDSA kundi bawas sueldo ang nangyayari sa mga nagta-trabaho ay baka matanggal pa sila sa trabaho dahil ‘always late.’

Naku ha !

Ano ba ito ?

Abangan.

-oooooo-

Baboy, baboy at baboy 

 

Tiniyak ng gobierno sa madlang  public na ligtas tsibugin ang baboy basta may nakatatak ditong  National Meat Inspection Service stamp.

Nakumpirma ng gobierno na ang African swine fever o ASF ay nakapasok na sa ilang mga lugar sa Philippines my Philippines 

Ano ang problema ?

Ito ang dahilan ng pagkamatay ng mga baboy !

Karamihan ng mga sample tissue na napadala  sa laboratoryo sa United Kingdom ay positibo sa ASF.

May  7 mga lugar sa dalawang probinsya sa Luzon ay naapektuhan ng ASF. Ang mga ito ay Rizal - San Jose, Macabud, San isidro, San Rafael, Mascap, at Cupang sa Antipolo at Bulacan - Guiguinto

Hinihinala ang virus ay kumalat sa mga baboy dahil sa pagkain ng basura mula sa mga resto at mga hotel kabilang na rin ang mga produktong inuuwi daw ng ibang OFW’s mula sa mga bansang may ASF.

Matumal pa rin ang bentahan ng baboy dahil takot pa rin ang madlang people na kumain nito.

Abangan.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with