Paghiga ng 30 oras sa ataul, hamon ng isang theme park sa US
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - September 12, 2019 - 12:00am

ISANG theme park sa Maryland, US ang naghahanap ng mga gustong lumahok para sa  kanilang isasagawang”30-Hour Coffin Challenge.”

Para sa magkakapartner ang contest at kailangan nilang mahiga nang magkatabi sa loob ng isang ataul sa loob ng 30 oras.

Ang kompetisyon ay bahagi ng Fright Fest 2019 ng theme park na Six Flags at bukas ito hindi lamang para sa magkakasintahan. Maaring sumali ang magkakaibigan o magkakamag-anak basta handa silang humiga sa loob ng ataul mula 4:00 p.m. ng Setyembre 27 hanggang 10:00 p.m. ng Setyembre 28.

Hindi papayagan ang mga kalahok na gumamit ng kanilang smartphones o ng iba pang mga gadgets bukod sa mga nakatakdang break time.

“Kapag umalis ang mga kalahok sa anumang dahilan bukod sa mga nakatakdang oras ng pahinga ay agad silang madi-disqualify sa contest ayon sa patakaran ng theme park.

Ang magkapareha na mananatili matapos ang 30 oras ay mananalo ng $600 (katumbas ng P31,000) at isang pares ng 2020 Gold Season Passes sa theme park

THEME PARK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with