Sutsot
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - September 11, 2019 - 12:00am

NAGBALIKBAYAN si Rona pagkaraan ng sampung taong paninirahan sa Canada. Ang napangasawa niya ay Pinoy na Canadian citizen. First time niyang bumalik sa Pilipinas pagkaraan ng sampung taon kaya napansin niyang maraming pagbabago sa kanilang bayan sa Batangas.

Isang gabi ay bigla siyang dinatnan ng ‘monthly period’. Nagkataong wala siyang reserbang sanitary napkin. Hindi naman maaasahan ang kanyang nanay at mga matatandang dalagang tiyahin dahil ilang taon nang tinigilan  ang mga ito ng buwanang bisita. Mga menopause baga. Kaya bago pa bumaha ng dugo, dali-dali siyang lumabas ng bahay para bumili ng sanitary napkin sa 24-hour convenience store. Wala siyang mautusan dahil wala silang katulong sa bahay. Ang mga tiyahin niya ay malalabo ang mata. Samantalang ang ina niya ay nirarayuma.

Bago makarating sa convenience store ay may madadaanan siyang dalawang palapag na malaking lumang bahay. Sila ang isa sa mayayamang  angkan ng kanilang bayan. Noong bago siya umalis patungong Canada, si Ka Ben na matandang binata ang nakatira sa bahay na iyon, kasama ang kanyang biyudang ina. Mabiro si Ka Ben. Kapag gabi na at may dumadaang mga bata at dalagita ay susutsutan nito ang mga ito habang siya ay nagtatago sa likod ng bintanang capiz. Natutuwa ang matandang binata na manakot ng mga bata. Bigla naalaala iyon ni Rona habang naglalakad siya.

Sandali lamang siya sa convenience store dahil nasulyapan niyang 10:30 p.m. na pala sa kanyang relo. Napansin niyang wala nang naglalakad sa kalye kaya binilisan niya ang paglalakad. Nang naglalakad na siya sa tapat ng bahay ni Ka Ben, bigla siyang may narinig na sutsot. Tumingin si Rona sa bintana. Nakasara ito. Bini­lisan na lang niya ang lakad para makarating agad sa kanilang bahay.

“Hanggang ngayon pala ay nanunutsot pa rin sa mga nagdadaan si Ka Ben. Matanda na ay mahilig pa rin manakot.’

“Sinutsutan ka ni Ka Ben? ” nagtatakang tanong ng kanyang ina.

Sinundan ng pagsasalita ng kanyang tiya. “Wala na si Ka Ben, limang taon nang patay. Noong isang taon naman ay nanay niya ang namatay. Wala nang nakatira sa bahay nila.”

Pero may pakinabang daw ang ugaling panunutsot ni Ka Ben. Palibhasa ay madilim sa tapat ng bahay nila, doon hinoldap ang ina ni Rona nang minsang gabihin ito mula sa pagtitinda sa palengke. Siyempre, galing sa grocery nila, bitbit nito ang isang araw na kinita ng tindahan. Nang iaabot na ng kanyang ina ang pera sa holdaper ay biglang sumutsot na napakalakas si Ka Ben at may kasama pang HOY! Nagulat ang holdaper at kumaripas ng takbo. Hindi na nakuha ang bag na may pera. Halos himatayin ang ina ni Rona. Una dahil sa takot sa holdaper. Pangalawa, sa labis na pagtataka kung paano nangyari na nakasutsot pa si Ka Ben gayong nasa ospital ito noong panahong iyon at comatose.

SUTSOT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with