^

Punto Mo

Priority roads sa QC, maluwag na!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HALOS 60 hanggang 70-percent ng “priority roads” sa Quezon City ang nalinis na sa obstruction ni Mayor Joy Belmonte dahil sa pakikipagtulungan ng barangay officials. Determinado talaga si Belmonte na tugunan ang kautusan ni President Digong na ibalik sa publiko ang mga bangketa, hindi lang sa Metro Manila, kundi sa buong bansa. Hindi na kailangang magdala ni Belmonte ng yantok para pasunurin ang constituents niya dahil ang kanyang armas ay diplomasya at maayos na pakikipag-usap kung kaya nauunawaan siya ng mga tinatamaan sa kampanya niya. Araguuyyy! Mukhang may tinamaan dito ah? Kaakibat ni Belmonte sa paglilinis ng kalsada sina retired Col’s. Robert Jaymalin at Popoy Lipana, ayon kay kosang Ares Gutierrez, ang hepe ng Public Affairs and Information Services Department. Kaya sa ngayon, lumuwag at maaliwalas na ang Commonwealth Market at Litex market at malaki ang role dito nina Jaymalin at Lipana, ayon pa kay kosang Ares. Hak hak hak! Hindi man lang nalagay sa diyaryo, TV at radyo o social media ang kampanya ni Mam Joy dahil tahimik lang siyang nagtratrabaho at bahala na ang publiko na maghusga sa kanya. ‘Di tulad ng iba riyan, puro dada lang!

Makikita rin ang kaluwagan ng kalsada sa Culiat, Old Balara at sa magkabilang bahagi ng Tandang Sora, na dati ay mga eyesore, subalit sa ngayon ay maluwag at malinis na dahil sa clearing operations na pinangungunahan naman ni Konsehal Ranni Loudovica, ang namamahala sa Novaliches Proper. Litaw na rin ang mga bangketa na sinakop ng mga vendors sa panulukan ng Quirino Highway, sa Susana Road at General Luis Street. Kahit maraming tinatamaan na vendors dito sa kampanya vs obstruction ni Belmonte, walang marinig na alingasngas galing sa hanay nila dahil sa pagkumbinsi niya sa mga ito na sundin ang programa ni Digong. Hindi lang ‘yan! Wala ring kilos protesta, tulad sa Maynila, dahil sa hindi naman nahinto ang pagkakitaan ng vendors, di ba mga kosa? Araguuyyy! Hak hak hak! ‘Yan ang tunay, di puro foto ops lang!

Para hindi mahinto ang daloy ng pagkain sa hapag kainan ng mga vendors, ang ginawa ni Belmonte ay ipinasok sila sa loob ng mga palengke na may malalaki pang space pa. Para hindi mahirapan ang mga vendors, binigyan sila ni Belmonte ng moratorium para mas maliit lang ang babayaran nila sa stalls nila na ang nag-design ay si Col. Jaymalin, ayon kay kosang Ares. Magpapatayo rin ng vending sites si Belmonte para siguruhing hindi magugutom ang vendors at pamilya nila lalo’t Pasko na ang simoy ng hangin. Sa problema naman sa parking, pumayag ang pamunuan ng Crossroad Mall na gagawing terminal ng tricycle, jeepney, at UV Express ang parking lot nila para lumuwag ang daloy ng trapiko sa Quirino Highway at Tandang Sora. Ang religious group naman sa Bago Bantay ay pumayag na ipagamit ang malaking lote nila para gawing parking area at terminal ng tricycle. Ayon kay kosang Ares walang naganap na karahasan sa lahat ng pagkilos ni Belmonte, hindi tulad sa ibang lugar sa Metro Manila, dahil madiplomasya ang huli at hindi mukhang tolongges sa mga kausap niya. Abangan!

vuukle comment

PRIORITY ROADS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with