^

Punto Mo

Naunsiyameng paglaya!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kabi-kabila talaga ang protesta at pagtutol ng marami nating mga kababayan sa napaulat na paglaya  ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez at dahil dito,  mukhang malabo na ngang mangyaring makalabas ito ng piitan.

Bagamat nagpahayag na rin nang pagtutol sa paglaya ng dating mayor  si Pangulong Digong hindi pa rin makampante ang pamilya ng mga naging biktima na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez.

Dudulog na sila sa korte para mapigilan ang paglaya ng da-ting mayor.

Aba’y kahit naman kasi saang anggulo silipin, mukhang wala itong karapatan para makinabang sa  batas GCTA (good conduct time allowance) sa mga bilanggo.

Una na nga rito ang bigat ng krimeng nagawa nito, isama pang hindi ito kuwalipikado sa GCTA dahil sa mga paglabag na nasumpungan dito sa loob ng piitan.

Ang tanong kasi rito, sino ang nagpasimuno o nagpaingay sa paglaya nito na nitong huli eh biglang nagbuweltahan sa kanilang mga naunang pahayag.

Nakikita tuloy dito ng marami, mukhang tinetesting ang taumbayan at nang sumabog na nga ang galit ng publiko, ayun nagtanggihan na at sila pa mismo ang nagsabi na hindi dapat makalaya si Sanchez at hindi ito kuwalipikado.

Nasa 11,000 bilanggo ang sinasabing sumasailalim sa ebaluwasyon sa ilalim ng GCTA at base nga sa naunang report bagamat walang nagkukumpirma may 200 ng bilanggo ang nakalaya na.

Dapat din itong linawin ng mga kinauukulan at ipaalam kung  meron na nga bang nakinabang sa pagpapatupad  ng naturang batas. Sinu-sino ito at anu-ano ang mga kinasangkutang kaso.

Ito’y ay dahil nga na nakikita na sa ngayon ang kontrobersiya sa pagpapatupad nito.

Naimpormahan naman kaya o naabisuhan kahit papaani ang pamilya o kaanak ng kanilang mga naging biktima?

Umuugong din na pwede ring makinabang sa batas ang mga suspect sa rape-slay ng Chiong sisters .

Samu’t-sari ang pananaw ng marami sa pangyayari, pwede rin umano na maging daan ito para maibalik ang parusang kamatayan.

Anu’t-anuman man ang dahilan, nagsalita na taumbayan, tutol sila sa paglaya ni Sanchez na sangkot sa rape at murder.

vuukle comment

PAGLAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with