^

Punto Mo

Paglilinis sa mga kalsada kayang-kaya naman pala!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kung tutuusin,  may nakikitang mga pagbabago sa mara-ming lansangan sa Metro  Manila kaugnay sa isinagawa at isinasagawa pang clearing operation ng mga local government units.

Ito’y  matapos ngang bigyan ang mga LGUs ng 60 araw na ultimatum ng DILG para linisin sa anumang uri ng obstruction ang mga kalsada at bangketa at maibalik ito sa publiko.

Kaalinsabay naman ito sa kautusan ni Pangulong Digong na maibalik ang kalsada sa publiko.

Tumugon ang mga mayor na nakita namang nagsimulang alisin ang mga obstruction.

Kita nyo naman ang  Baclaran  area, sa Parañaque na sa matagal na panahon na hindi nakikita ang kalsada ng Redemptorist dahil sa vendors, ngayong nalinis doon mamamalas na may malapad palang kalye sa lugar.

Ang Divisoria na unang nalinis, ngayon maaliwalas nang nakakaraan ang mga sasakyan at may nalalakaran na rin ang mga pedestrian.

 Sa Quezon City,  marami-rami na ring lugar dyan ang naayos sa mga illegal vendors, illegal structures at iba pang obstruction.

Maging sa San Juan kung saan nalinis ang mga kalsada sa Greenhills, at sa iba pang lungsod.

Pero hindi  pa dyan dapat matapos dahil marami pa ang dapat na linisin at maisaayos.

O kita na natin ha, kaya naman palang gawin kung talagang mayroong political will. Hindi na marahil kailangan pa ang ultimatum basta’t seryoso sa pagtupad ng tungkulin.

Ang inaasahan naman ng ating mga kababayan, sana ay magtuluy-tuloy ito at hindi hanggang simula lang.

Baka ang siste pagnagtagal balik na naman sa dating gawi.

Sana ay mapanatili ang ganito, dahil kapag napabayaan at hindi nabantayan parang kabute na namang magsusulputan ang mga yan at parami na naman nang parami hanggang sa mahirap na namang masawata.

vuukle comment

KAYANG-KAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with