Ang Grab driver na gusto kong sakluban ng orinola sa ulo!
BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - August 1, 2019 - 12:00am

MAHALAGANG masuri ng maayos ng mga employer ang bawat aplikante na gustong mamasukan sa kanila. Kasi ang ibang mga trabahador, sa umpisa lang nagsisipag-sipagan. ‘Pag tumagal, e “puting kalabaw” naman pala.

Yung iba nga, wala pang dalawang buwan sa trabaho ay sumusugod na sa Pambansang Sumbungan. Kesyo illegal dismissal daw at nalabag ang kanilang karapatang pantao. Kapag tinanong mo kung bakit tinanggal ay pinag-initan lang daw. Pero matapos mag-imbestiga ang BITAG, papetiks-petiks lang pala sa trabaho o ‘di naman kaya’y may ginawang kababalaghan.

Itong Grab driver na lumapit sa amin, gusto kong sakluban ng orinola sa ulo. Nagrereklamo dahil sinibak daw siya ng kanyang operator ng walang dahilan. Nang ako mismo ang mag-imbestiga, ‘di pala siya nakapag-bigay ng boundary sa tamang oras dahil itinakbo ng kanyang misis nung sila’y mag-away. Sinong amo ba naman ang ‘di makukunsumi, 8 araw ka pa lang sa trabaho, sablay na.

Ang masama pa nito, siya pa ang may apog na pagbantaan ang kanyang operator na babalikan at sasaktan. Siyempre pumalag ang amo, sasampahan siya ngayon ng kasong grave threat. Sa takot niyang masampahan ng criminal case, tumakbo siya sa akin. Ako naman dahil tao naman siyang lumapit sa akin, tao ko rin siyang tatratuhin, I gave him a chance.

Tutal naman aminado siyang mali ang kanyang ginawa, tinawagan ko ang kanyang operator upang tulungan siyang humingi ng dispensa. Suwerte niya at madaling kausap ang kanyang operator. Pinatawad naman nito ang kolokoy at nangakong ibabalik sa kanya ang mga naiwan niyang gamit sa kotse. Sa huli, dinaan ko na lang sa biro pero may pahapyaw na leksyon sa nagrereklamo.

Kaya nga naiintindihan ko si Pres. Rodrigo Duterte kung bakit hindi niya muna inaprubahan ang Security of Tenure Bill. The President wants to be fair sa mga matitinong employer.

May mga mapagsamantala rin kasing empleyado. Matapos mong gawing regular sa trabaho, saka lumalakas ang loob na magloko at gumawa ng mga violations dahil pag pinarusahan mo, sila pa ang magkakaso.

Maniwala kayo o hindi, sa kompanya namin sa BITAG meron din noong mga tinatawag na “puting kalabaw”. Tiwala ang pinag-uusapan dito. Trust should not be imposed, it should be gained. Paano ka pagkakatiwalaan kung sa una pa lang ay pinapakita mo na ang pagka wala mong silbi. Ang mga “puting kalabaw”, hindi karapat-dapat sa proteksiyon na ibinibigay ng gobyerno sa mga empleyado. Kung gusto mong pagkatiwalaan ka ng iyong amo at kilalanin ang mga karapatan mo, siguraduhing hindi ka pabigat sa grupo.

GRAB
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with