Happy Anniversary, INC
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - July 26, 2019 - 12:00am

Ngayon pa lamang ay magpapauna na akong bumati kasama ang aking buong sambahayan ng, Happy 105th anni­versary sa pagkatatag ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Pilipinas at ika-51-taon naman sa ibayong dagat,  sa araw ng bukas, Hulyo 27.

Maligayang anibersaryo po sa lahat ng mga kapatid sa buong mundo sa pangunguna ni  Kapatid na  Eduardo V. Manalo, Tagapamahalaang Pangkalahatan ng INC.

Sa mga susunod na taon ay patuloy po sanang makamit ng Iglesia ang tagumpay sa awa at pagtulong ng ating Ama.

‘Political will’, sino ang meron, sino ang wala!

Eto ha, wait muna tayo ng 60 araw o katumbas ng dalawang buwan, magkakaalaman na  kung paano ipinatupad ng Metro Manila mayors ang mahigpit na kautusan ng Department of Interior and Local Goverment (DILG) na bawiin  at linisin sa anumang obstruction ang public roads sa kanilang mga nasasakupan.

Kung hindi ito magagawa, may babala si DILG Sec. Eduardo Ano  na posibleng masuspinde  at makasuhan ang mga ito dahil sa kapabayaan.

Ginawa ng DILG ang kautusan base na rin sa nais ni Pangulong Digong na maibalik sa motorista ang daan, tamaan kung sinoman ang tatamaan.

Ang mga sagabal na ito sa daan ang isa sa dahilan kung bakit hindi-masolusolusyunan ang problema sa trapik sa bansa, partikular nga sa Kalakhang Maynila.

Ito  pa namanang isa sa ipinangakong bibigyang kalunasan ni Pangulong Digong noong sya ay nangangamanya pa lamang.

Kumasa naman ang  mga Metro Mayor  sa hamon ng DILG, kaya nga magkakaaalam ito matapos ang 60-araw. Pakiramdaman natin kung may magaganap na pagbabago.

Dapat naman ang LGU’s ang kumalampag sa  mga opisyal sa kani-kanilang mga barangay. Dahil dapat sa lebel pa lang ng barangay naaayos na problema, pero sa nakikita mas lumalala kasi nga hindi kumikilos ang barangay.

May pagkakataon pa nga na sila ang kumukunsinti o marahil mayroong ‘nalalagyan’.

Bukod sa illegal vendors, nandyan din ang illegal parking.

May mga sidestreet o secondary road ginagawang ‘one-way’ , pinapayagan yan ng barangay. Ok lang sana kung nakakatulong para maibsan ang trapik, pero hindi,  ginawang ‘one-way’ para makapag-park  sa kalsada,  ang masaklap nagdo-double parking pa.

Saan ka nakakita ng ganyan.

Ang mga ito naman ang dapat pukpukin ng mga mayor, ang mga pabayang opisyal ng barangay.

Dito magkakaalaman kung sino ang may ‘political will’.

Para ito maisagawa, kailangan talaga ang ‘political will’, dahil kapag wala ito, aba’y para lang kayong nakikipaglaro sa mga hinuhuli n’yo, dahil siguradong pabalik-balik na lang ang mga ito.

IGLESIA NI CRISTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with