^

Punto Mo

Mga inaabangan sa SONA

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mamayang hapon isasagawa na ang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Gaya ng dati,  kaabang-abang at hindi maitatatwang interesado ang marami lalo na ang masa kung ano ang mga sasabihin ni Digong.

Sana nga raw ay may kinalaman ito sa trabaho, kabuhayan at sa isyu sa West Phil. Sea (WPS).

Kaabang-abang din kung magbibigay nang pahayag ang Pa-ngulo tungkol sa imbestigasyon ng UN sa drug killings sa bansa.

Bukod nga sa sasabihin ni Pangulong Digong, inaabangan din ang mga kasuotan ng mga mambabatas at mga dadalo sa SONA.

Taun-taon nagmimistulang fashion show ang SONA. Kanya-kanyang display ng kanilang inihandang kasuotan ng mga mambabatas.

Ayon nga sa mga nakararami bakit hindi na lang gawing simple, tutal ang importante naman umano rito ay kung ano ang maipaglilingkod pa ng gobyerno sa mamamayan nito.

Aksyon naman ang posibleng kaganapan sa labas ng Batasang Pambansa dahil  sa isasagawang mga rali ng ibat- ibang grupo .

Hindi mawawala ang mga militantemg grupo pero mukhang ‘di rin magpapatalo ang mga pro-Digong.

Sana nga lang ay walang anumang maganap na kaguluhan.

Tutal naman magkalayo ang ibinigay sa kanilang mga lugar para magkapagrali at maiwasan na lang sana ang iringan.

Yung mga organizer  sana ay sila na mismo ang magbantay sa kanilang hanay.

Pwede namang ihayag ang kani- kanilang na hinaing at stand na hindi na kailangang sumiklab ang tensyon at kaguluhan.

 

vuukle comment

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with