Lalaki sa India, naghain ng diborsiyo dahil lagi raw siyang pinagko-condom ni misis
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - July 18, 2019 - 12:00am

KAKAIBA ang dahilan ni Pradeep Bapat ng Bombay, India kaya siya naghain ng diborsiyo sa asawang si Prerna – lagi raw siya nitong pinagko-condom sa tuwing magtatalik sila.

Ayon kay Pradeep, gusto na niyang magkaanak sila ni Prerna dahil 2007 pa sila ikinasal. Pero dahil nga lagi siyang pinagko-condom ng asawa, hindi sila magkaanak. Ayaw daw siyang pagkalooban ng anak.

Kaya naghain na siya ng diborsiyo at palagay daw niya pakikinggan na siya ng judge sa pagkakataong ito.

Ayon naman kay Prerna, pinagko-condom niya si Pradeep dahil hindi pa sila handang magkaanak. Mahirap aniya kung hindi sila handa dahil baka magutom lamang ang kanilang mga anak. Kawawa naman umano ang mga ito.

Pero ang mga judge sa High Court ay naniniwalang si Pradeep ang may deperensiya. Hindi raw ito ang unang pagkakataon na naghain ng divorce ang lalaki.

Unang paghahain ni Pradeep ay sinabing walang alam sa mga gawaing bahay si Prerna. Hindi raw ito maru­nong magluto at maglinis ng bahay. Gusto rin daw ni Pradeep ay isang babaing edukada at may magandang trabaho.

Hatol ng judge sa panibagong hain ni Pradeep, “Ang babae ay hindi alipin.” Hindi umano grounds para sa divorce ang mga complaint ni Pradeep. Kapag daw pinayagan o pinanigan si Bapat lahat ay maaaring mag-file ng divorce.

Hinihintay pa ni Bapat ang desisyon sa latest niyang complaint na pinagko-condom siya ng asawa para hindi sila magkaanak.

(Image source: shutterstock.com)

PRADEEP BAPAT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with