Kahulugan ng bullying
(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo (Pang-masa) - July 14, 2019 - 12:00am

WALANG direktang salin sa Filipino ang salitang bullying. Pero ito iyong ugaling madalas na pang-aaway, pananakit (sa isip, damdamin o katawan), pagtatawa, panunukso, pagmumura, panlalait, pangmamata, pangangantiyaw, pagbabanta, panggigipit at pambabastos ng isang mas malakas at mas matapang na bata sa isang kapwa niya bata na mahina at hindi makapanlaban na malimit mangyari sa mga eskuwelahan saan mang panig ng mundo.

Gayunman, ayon  sa  isang report kamakailan  na “Behind the Numbers: Ending School Violence and Bullying” ng United Nations Educational Scientific and Cultural Organization (Unesco), lumawak na ang saklaw ng bullying na nakaaapekto sa isa sa bawat 10 bata sa buong mundo at isa sa bawat tatlong bata ay nabibiktima ng bullying. Lumitaw na ang tinatawag na cyberbullying dahil sa paglipana ng mga social networking platform na ginagamit ng mga bullies laban sa mga nabibiktima nitong bata.

Kabilang sa cyberbullying ang pagpapadala ng masasamang mensahe, posting, text, email at video o paglikha ng website na pinagkakatuwaan ang isang estudyante, pag-post sa internet ng nakakahiya o malaswang litrato ng biktima nang walang pahintulot nito.

At kabilang ang Pilipinas na may maraming kaso ng cyber bullying o online hurtful behavior o ang pisikal na bullying.

Binanggit sa report ang isang Global Kids Online study na nagsisiwalat na ang porsiyento ng siyam hanggang 17 anyos na bata na nakararanas ng cyberbullying ay 35% sa Serbia; 29% sa Pilipinas, at 20% sa South Africa at 77% sa mga 13-17 anyos sa Argentina.

Lumilitaw din sa datos mula sa Pilipinas, Argentina, Brazil, Serbia at South Africa na ang mga nasa pagitan ng 12% at 22% ng mga bata ay nakatanggap ng mga mensahe sa internet na naglalaman ng kabastusan o kalaswaan.

Para umano maituring na biktima ng bullying ang isang estudyante, dapat nangyayari ang pananakit sa kanya nang minsan o dalawang beses o mahigit pa sa isang buwan.  Mas malamang makaranas ng pisikal na bullying ang mga batang lalaki habang ang sa mga batang babae ay psychological bullying.

Ang mga batang nabibiktima ng bullying ay may pakiramdam na hindi sila tanggap sa eskuwelahan, laging malungkot at may tendensiyang magpatiwakal.

Email: rbernardo2001@hotmail

BULLYING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with