^

Punto Mo

Sa mga anak ni Lola Socorro, konting konsensiya naman!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa


LIKAS daw sa mga Pinoy ang pagiging mapagmahal at ma­alagain. Pero ang tanong ni BITAG, saan kumukuha ng tibay ng sikmura ang mga anak na pabayaan at lapastanganin ang kanilang mga magulang?

Ayoko sanang makialam sa mga away ng pamilya dahil trabahong pang-barangay ‘yan. Subalit hindi kaya ng kalooban kong balewalain ang hinaing at sumbong ng mga matatandang itinataboy ng kanilang mga anak. On the spot, hahambalusin ko ang dapat matauhan. Kapag naging mas bastos ang pag-uugali ko sa mga lapastangan, kasuhan man ako -- I don‘t care!

Si Lola Socorro, 92 years old, kasama ang kanyang apo nang lumapit sa BITAG. Humihingi ng tulong ang apo na maipasok si Lola sa isang home for the aged. Pinapasa-pasahan ang matanda na parang bola ng kanya mismong mga anak. Etong huli ay sinasaktan na rin si Lola Socorro.

Sinubukang kupkupin ng apo ang kanyang lola dahil sa awa at pagmamahal. Pero hindi ito sapat, wala siyang kakayanang buhayin ang matanda dahil sa hirap ng kanyang buhay. Sa BITAG na tumakbo ang apo upang masiguro ang pangangalaga at hindi na maipagtabuyan pa si Lola.

Sinubukan ng BITAG na makipag-ugnayan sa mga anak ni Lola Socorro na naninirahan sa isang maayos na condominium sa Makati pero hindi kami pinapasok. Nadiskubre namin na naka-ban ang matanda sa gusali. Utos daw ito ng mismong mga anak ni Lola Socorro – mga ijo de puto’t kutsinta talaga!

Sa Bgy. Bangkal sa Makati, unang kinupkop si Lola. Dumating daw sa kanilang tanggapan ang matanda na puro pasa at nakiusap na sa barangay muna pumirmi. Isang buwan ding inaruga si Lola Socorro sa barangay. Wala ni isa man sa mga kamag-anak o anak nito ang dumalaw man lang sa matanda.

Hanggang sa mapagpasyahang maipasa sa Meycauayan City Social Welfare Development sa Bulacan kung saan nandoon ang apo ni Lola. Nakipagtulungan na rin ang Makati Social Welfare and Development para sa tamang institusyon na madala ang pobreng matanda.

Sa mga anak ni Lola Socorro, shame on you. Nahulog kayo sa bitag ng kasamaan, kasakiman, at kawalanghiyaan. That’s not a Filipino thing. We Filipinos take care of our elders! I’m sorry, pero ‘yung mga ganitong klaseng tao, predestined na sa impiyerno.

Kapag ang magulang n’yo ay matanda na at di na mapakinabangan, huwag saktan at walanghiyain. Ipaaruga n’yo na lang sa maayos na institusyon – konting konsensiya naman!

Kami sa BITAG, pursigidong tumugon sa mga ganitong klaseng problema. Hindi sa nakikialam kami, sa amin nagtiwala at humingi ng tulong ‘matik lang na kumilos kami. Abangan at panoorin ang buong istorya sa aming Youtube channel, BITAG OFFICIAL.

vuukle comment

LOLA SOCORRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with