Bata, nasalo ng teenager nang mahulog sa building
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - July 5, 2019 - 12:00am

BAYANI ang turing ngayon sa isang teenager sa Turkey matapos kumalat ang isang viral video kung saan makikita ang pagsalo niya sa isang 2-anyos na nahulog mula sa ikalawang palapag ng isang gusali roon. 

Naglalakad noong isang linggo sa lansangan ng Fatih ang 17-anyos na Algerian na si Fawzi Zabaat nang makita niya ang isang bata na naglalaro malapit sa isang bukas na bintana sa second floor ng isang building.

Mapapanood sa kakalabas lang na video na sinubukan pa ni Fawzi na kuhanin ang pansin ng mga tao sa paligid ilang sandali bago siya na mismo ang nagkusang nag-abang upang masalo ang batang naka­am­bang mahulog.

Nangyari nga ang kinatatakutan ni Fawzi at nahulog ang bata mula sa bintana. Mabuti na lamang at nakapuwesto na siya upang saluhin ito. Dahil sa kanyang ginawa ay ligtas ang bata sa kabila ng nangyari.

Sa kabila ng papuri sa kanya ay nanatili namang mapagkumbaba si Fawzi nang kapanayamin ng news agency na nagsapubliko ng mga imahe mula sa video.

Minaliit ni Fawzi ang kanyang mismong kabayanihan at sinabing salamat sa Diyos at nandoon siya sa lugar ng insidente para masalo ang nahulog na bata. 

BUILDING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with