^

Punto Mo

12 mahalagang aral para sa mga anak

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Kapag dadaan sa pintuan, hawakan mo muna ito ng ilang saglit upang bigyang daan ang taong nasa liku­ran mo.

Matutong bumati at ngumiti sa matatandang kamag-anak ninyo.

Maging matatag at matapang para iwasan ka ng mga “naghahari-harian” ngunit panatilihin ang pagiging charming upang lapitan ng nais makipagkaibigan.

Kung walang kapansanan, huwag tangkaing pumarada sa “handicap parking spot” gaano man kahirap maghanap ng parking spot. Matakot ka, baka magkatotoo ang pagkukunwari mo.

Hindi masamang magbakasakali ka ngunit siguraduhing hindi ito magpapahamak sa iyo at sa ibang tao.

Magpatawa nang hindi kailangang “mang-murder” ng ibang tao.

Pagtitiyaga at pagpapraktis ang dahilan kung bakit mahusay ka nang magtali ng iyong sapatos.

Laging sabihan si Lola na masarap ang luto niya kahit kung minsan ay hindi.

Kumain ng gulay at prutas.

Huwag magpahalata na naiinis ka na sa iyong lolo at lolang mabagal matutong gumamit ng cell phone.

Sa mga lakaran, laging akayin si Lola. Siya ang unang umakay sa iyo noong bago ka pa lang natututong maglakad dahil nasa office palagi sina Nanay at Tatay.

Laging magdasal. Ang mga batang paladasal, lumala-king mabait hanggang pagtanda.

vuukle comment

ANAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with