^

Punto Mo

633 divers, nakapulot ng 1 toneladang basura sa pinakamalaking underwater cleanup sa mundo

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SALAMAT sa 633 divers na lumahok sa sinasabing pinakamalaking underwater cleanup sa mundo sapagkat 1 toneladang basura ang kanilang napulot na malaking kabawasan sa karagatan.

Upang mapabilang sa record, kailangang manatili ng 15 minuto ang bawat diver.

Kaya naman nakaabang ang Guinness adjudicator na si Michael Empric upang bilangin ang bawat diver na palusong at paahon mula sa ilalim ng karagatan.

Ngunit ayon kay Empric, hindi naman daw ang pagtatala ng world record ang tanging hangad ng pagtitipon dahil ang pangunahing layunin ng lahat ay ang makatulong sa pagpapalinis ng karagatan.

Tagumpay naman sila pareho dahil bukod sa nahigitan nila ang dating world record ay nagawa rin nilang linisin mula sa ilalim ng karagatan ang tinatayang 3200 pounds ng basura. Sixty pounds ng nasabing bigat ay dahil sa mga sinulid na nylon na ginagamit na pamingwit.

vuukle comment

UNDERWATER CLEANUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with