Sugar Mommy (59)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - June 21, 2019 - 12:00am

HABANG pauwi si Jericho, hindi pa rin siya makapaniwala sa magandang resulta ng kanyang pag-aaplay ng trabaho sa Saudi bilang mekaniko. Pinababalik siya kinabukasan para sa interbyu. Ganoon kabilis! Iinterbyuhin kaagad siya. Ang pagkaalam niya, base sa mga narinig, ilang linggo o buwan ang inaabot bago ma-interview. Pero siya, pinababalik agad para nga sa interview.

Dininig ang kanyang panalangin na makapag-abroad para makatulong sa mga magulang lalo pa’t maysakit ang kanyang papa – may bara ang puso nito – ayon sa resulta ng unang examination. Sa sunod na exam pa malalaman kung ooperahan o dadaanin sa gamot. Kapag operasyon, tiyak na malaking halaga ang kanilang kailangan. At saan sila kukuha ng ganung halaga?

Kaya ngayon pa lang nagpapasalamat na siya sa Diyos dahil sa positibong pag-aaplay. May nakita na agad siyang liwanag na matutuloy ang pagtatrabaho niya sa abroad. Makakaraos din sila at maaa-ring maipagamot ang kanyang papa.

Nang makarating sa bahay, nakaabang na pala ang kanyang mama. Sabik niyang ibinalita ang nangyari.

“Pinababalik ako bukas para sa interbyu, ‘Ma.’’

“Aba e di tanggap ka na?’’

“Malalaman ko bukas.’’

“Sana tanggap ka na, Jericho. Nag-aalala ako sa kalagayan ng papa mo.’’

“Huwag kang mag-worry ‘Ma. Makakaalis ako.’’

“Sabihin mo sa iyong Ninong Nick para hindi siya naghihintay sa’yo.’’

“Opo Ma. Bago ako magtungo sa inaaplayan ko, dadaan ako sa talyer at kakausapin si Ninong.’’

Kinagabihan, hindi inaasahan ni Jericho ang pagtawag ni Jane.

“Jericho, puwede mo ba akong puntahan bukas. May sasabihin lang ako sa’yo na mahalaga.’’

“Jane, sorry pero mayroon akong job interview bukas.’’

“Nag-aplay ka na sa Saudi?’’

“Oo.’’

Natahimik si Jane.

“Sorry Jane, hindi ako makakapunta.’’

“Okey lang Jericho. Good luck.’’

“Salamat, Jane.”

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with