^

Punto Mo

Lumang kotse, ginawang sauna sa Estonia

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

AGAW-PANSIN sa idinaos na sauna festival sa Estonia ang isang dilaw na lumang kotse.

Bagama’t luma na, umaandar pa rin ito at ginawa pang sauna bath ng isang grupo ng magkakaibigan.

Walang kapansin-pansin sa kotse bukod sa mataas na tubong nakapatong sa hood nito na nagsisilbing labasan ng usok na nagmumula sa sauna bath sa loob.

Dati raw karo ng patay ang sasakyan bago ito bilhin ng magkakaibigan na namamahalang mag-arkila ng mobile na sauna bath.

Tiningnan nila kasi online ang renta sa mobile na sauna bath at napag-alaman nilang mas makakamura sila kung bibili na lang sila ng lumang kotse at gagawin itong mobile sauna bath.

Tagumpay naman ang kanilang proyekto na ginastusan lamang nila ng 200 euros (katumbas ng P11,700).

Ngayon ay madalas nang tampok ang kotse bath sa iba’t ibang mga festival sa Estonia, kung saan dinarayo ito ng mga mahihilig mag-sauna bath.

 

vuukle comment

KOTSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with