OTS with magic hand, huli sa NAIA

NABINGWIT ng mga elemento ng MIAA Airport police ang isang screening officer ng Office of the Transportation Security (OTS) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2, matapos itong ireklamo ng isa sa kasamahan ng biktima sa pamamagitan ng ‘social media’ matapos itong nakawan umano ng salapi habang nasa final check-in security area ang isang Hong Kong national na pabalik ng kanyang bansa, kamakalawa.

Ayon kay Connie Bungang, hepe ng Public Assistance Office sa MIAA, nabasa nila ang Facebook post ng isang Jackie Freeman Yuen, isang Hong Kong national sa mapait na naranasan nang isa nilang kasamahan sa diumano’y nagamitan ng ‘magic hand’ ng isang alyas Nissan Villlarnio, OTS screener officer sa NAIA T2?

Naku ha!

Ano ba ito?

Dahil sa pangyayari inimbitahan ng MIAA Airport Police si Nissan at sinasabing umamin sa kanyang pagkakasala?

Ang problema nga lamang ay hindi nila ito makasuhan dahil wala pa ang magrereklamong biktima laban sa kanya.

Ito iyong kuento, binulatlat ni Nissan ang mga kagamitan sa loob ng handcarried bag ng biktima at ipinasok pa raw ang kamay nito sa bagahe ng lumabas ito sa x-ray machines.

Kinausap ni Nissan ang biktima at hinihingian umano ng HKD2,000 pero HKD1,000 lang daw ang ibinigay ng biktima rito.

Hindi kasi marunong magsalita ng ingles ang biktima ng magkaroon ng komportansiyon ang dalawa.

Nagsumbong ang biktima sa kanyang mga kasamahan na ang dalawa dito ay mga abogado sa Hongkong at kinausap si NIssan na agad naman daw naglabas ng HKD4,000 at ibinalik sa kanila.

Nagtaka pa ang biktima dahil HKD1,000 lang ang ibinigay niya pero KKD4,000 ang ibinabalik.

Iyon pala ng ipaso nito ang dalawang kamay niya sa bag ay nakapa diumano ni Nissan ang kanyang wallet na nakalagay sa tagiliran ng bag at nakuha gn perang ibinalik.

Naku ha.

Ano ba ito?

Talagang makapal at panira sa NAIA!

• • • • • •

Suportado si Cayetano ng NP sa pagka-Spekership

Nagbitaw ng salita si Senator Cynthia Villar na suportado ng  Nationalista Party si Taguig Rep. Alan Cayetano bilang ‘Speaker’ sa Kamara.

Sabi nga, nagdeklara na!

Ibinida ni Villar, si Cayetano ang itutulak ng Nacionalista Party sa pagka-Speakership ngayon. 

Matatandaan na si Cynthia ang number 1 senator sa katatapos na midterm election last May 13 at watot ni dating House Speaker Manny Villar, na panggulo este mali pangulo pala ng NP.

Ayon sa partido handa silang ibuhos ang suporta nila kay Cayetano.

Sabi nga, walang iwanan!

Hindi matatawaran ayon kay Rep. ElRay Villafuerte, isang NP stalwart ang kakayahan ni Cayetano at determinado ang kanilang hanay na siya ang iluklok sa trono na iiwanan ni Speaker GMA.

May mga kumakalat na balita sa Kamara na may bilihan diumano ng boto rito para sa pagka-Speaker pero wala naman sinasabing kung sino ang pasimuno ng ‘vote buying’ at sinong kongresista ang tumatanggap ng salapi.

Sabi ni  Villafuerte,  hindi matatawaran ang kakayahan at karanasan  ni Cayetano dahil sa mga naging posisyon niya sa gobierno lalo’t si Boss Digong ang naging pangulo ng Philippines my Philippines.

 Siempre hindi bibitaw si Cayetano sa mga adhikain at programa ni Boss Digong para sa kapakanan ng madlang pinoy.

Maliban sa NP, nagpahayag na rin ang National Unity Party o NUP na si Cayetano ang susuportahan nila na umupo sa trono na iiwanan ni GMA dahil sa  mapagkakatiwalaan at masasandalan ng mga kongresista.

Puera pa rito, ang suporta na ibibigay ng iba’t-ibang kongresista na nangako kay Alan na siya ang susuportahan .

Ano sa palagay ninyo?

Abangan.

Show comments