^

Punto Mo

Seguridad ng mga mag-aaral sa loob at labas ng iskul, iprayoridad!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Simula na ngayon ang klase sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa, asahan na ang mas lalong pagbigat ng daloy ng trapiko partikular na sa Metro Manila.

Mahigit sa 27-milyon ang magsisipasok ngayong mga mag-aaral na madadagdagan pa kapag nagbukas na rin ang klase sa mga pribadong eskwelahan.

Hindi lang ang daloy ng trapiko ang dapat na mabigyan ng kaukulang pansin sa school opening kundi higit sa lahat ang kaligtasan at seguridad nang magbabalik-eskwela na mga mag-aaral.

Siguradong kakalat na naman ang mga kawatan na ang target na biktimahin ay ang mga mag-aaral.

Ibat -ibang modus ang inihanda ng mga yan para sumalakay.

Gaya nga sa una  na nating nabanggit sa nakaraan malaki ang inaasahan ng mga magulang sa ating kapulisan para mabigyang proteksyon ang kanilang mga anak.

Ibat-ibang ahensya ng pamahalaan ang magkakatuwang para sa mapayapang pagbubukas ng eskwela, sana  ay sapat ang naging paghahanda ukol dito para na rin sa kapakanan ng mga estudyante.

Kung may paghahanda sa labas sana rin ay handa na ang pangasiwaan ng mga iskul sa kadalasang suliranin at iba pang posibleng panganib na maaaring masagupa ng mga mag- aaral sa loob mismo ng paaralan.

Nandyan bullying at ang mga fraternity na naglalagay sa kapahamakan sa mga estudyante.

Sa puntong ito, malaking bagay ang regular  na pag- uusap ng opisyal ng iskul kasama na ang mga guro , mga magulang at mismong mga estudyante.

Dapat na maipabatid sa mga mag- aaaral na wala silang dapat katakutan at isumbong o iparating kung sila man ay dumadanas nang pambu- bully ng kapwa nila estudyante para agad itong maaksiyunan at hindi na lumala pa.

May inilunsad na programa ang DeEd tungkol sa isyung uto na dapat maipaalam sa mga mag- aaral na magsisilbi nilang pananggalan.

vuukle comment

TRAPIKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with