^

Punto Mo

May pera sa basura!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi lang pala paboritong  bagsakan ng mga  ilegal na droga ang Pinas, aba’y ngayon eh lumalabas na paborito rin pala tayong bagsakan ng mga basura galing sa ibang bansa.

Hindi pa man naibabalik ang ma-kontrobersiyang tone-toneladang basura buhat Canada ngayon eh meron rin palang   basurang dinala dito buhat Australia.

Nasabat ng Bureau of Customs ang pitong container van ng basura sa Misamis Oriental.

Misdeclared ang kargamento na sinasabing alternative fuel daw para sa paggawa ng semento pero nang buksan ayun mga basura pala.

Hindi lang yan, pati South Korea at sinasabing pati Hong Kong eh meron ding shipment ng basura sa ating bayan.

Bakit nga ba dito nila dinadala ang kanilang basura, ano ba ang meron o ang rason at dito dinadala ang kanilang waste materials.

Kailangan talagang masilip nang husto kung sino ang magpasimuno sa pagpapapasok ng mga basura sa bansa.

Hindi nga ba’t may kasabihan na may pera sa basura.  Literal nga  na may pera sa basura, ito ba ang dahilan kaya dito ito binabagsak ng ibang bansa?

Eh sinu-sino naman ang nagkakapera rito?

Hindi naman siguro mangangahas ang mga ito kung walang kontak mismo sa loob ng Pinas, Isiping pang hindi lamang isang bansa kundi may iba pa palang bansa ang nagbabagsak ng basura dito. 

Kaya nga galit na galit si Pangulong Duterte, hindi nga naman tayo landfill ng ibang bansa para tapunan nila ng kanilang basura.

Hindi lang sapat na maipanalik ang mga basura sa mga bansang pinanggalingan kundi alamjn ang mga taong sangkot sa pagdadala nito.

Papanagutim , kung pwede itapon sa bundok ng mga basura.

vuukle comment

BASURA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with