Sugar Mommy (32)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - May 25, 2019 - 12:00am

“KUMAIN ka pa Jericho! Parang hindi ka nasasarapan sa luto ko!’’ sabi ni Jane at iniabot pa kay Jericho ang embutido.

“Nasasarapan ako. Marami na nga akong nakain!’’

“Parang kakaunti pa. Kuha ka pa nito o. Masarap itong embutido. Perfect ang lasa nito dahil pinag-aralan kong mabuti.’

Tuminidor si Jericho ng isang slice.

Sinubo.

“Lagyan mo ng ketsup para masarap.’’

“Masarap kahit walang ketsup!’’

“Kain pa!’’

“Ang dami mong niluto!’’
“’Yung iba, ulit lang. Kahapon ko pa niluto. Kapag wala akong ginagawa, luto ako nang luto. Hobby ko ‘yan. Kapag nagsawa akong mag­luto, nandiyan ako sa likod ng bahay ko at nagga-garden. May vegetable garden ako riyan. Kapag gusto kong magpenakbet, kumpleto ako sa gulay. Ipakikita ko sa iyo mamaya ang garden ko.’’

“Ang sipag mo pala!’’

“Hindi naman. Hobby ko nga lang.’’

“Hindi na uuwi ang anak mo?’’

“Uuwi. Hindi lang alam kung kailan. Nagwo-work na kasi. Gusto na yatang magpakasal sa boyfriend niya. Hinahayaan ko siyang magpasya. Gusto ko maging malaya siya.’’

Napangiti si Jericho. Mabait na ina si Jane.

Maya-maya, nakarinig sila ng kulog at may pagkidlat sa labas.

“Naku uulan pa yata!” sabi ni Jericho. “Magpapaalam na ako.’’

“Huwag muna. Dito ka muna, Jericho.’’

“A e…”

Hanggang sa marinig nila ang pagbagsak ng ulan.

“Dito ka na kaya matulog. Baka abutin ka pa nang malakas na ulan at bumaha.’’

(Itutuloy)

 

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with