Sugar Mommy (30)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - May 23, 2019 - 12:00am

“ANG ganda pala ng bahay mo, Jane,” sabi ni Jericho nang makita ang bahay.

“Hindi naman. Bagong paint lang ang bubong at mga dingding.’’

“Saan ko ito ipa-park?’’

“Bababa ako at bubuksan ang gate. Ipasok mo sa loob.’’

Bumaba si Jane.

Binuksan ang bakal na gate.

Ipinasok ni Jericho ang sasakyan. Inilapit sa may entrance ng bungalow.

“Diyan na lang, Jericho.’’

Bumaba si Jericho.

“Halika,” yaya ni Jane.

Sumunod si Jericho. Napagmasdan ni Jericho ang makikinis na hita at binit ni Jane. Wala sa itsura nito na 60-anyos na. Parang mga 50 lang. Naalagaan ni Jane ang katawan.

Binuksan ni Jane ang main door.

“Halika sa loob.’’

Sumunod si Jericho.

Malawak ang sala. Kumpleto sa gamit. May malaking TV na nakakabit sa dingding. Maraming sopa. Kapansin-pansin ang asul na kurtina na nagpapalamig sa pakiramdam ng papasok.

“Maupo ka.’’
Naupo si Jericho.

“Dito ka na mag-lunch. Magluluto lang ako. Sandali lang yun.’’

“Sa bahay na. Hindi pa naman ako gutom.’’

“Dito na. Please. Magluluto lang ako.’’

Hindi na nakatanggi si Jericho.

“Upo ka lang diyan at kapag ready na ang mesa, tatawagin kita okey?”

Tumango si Jericho.

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with