Lalaki sa India, pinutol ang daliri matapos iboto ang maling partido
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - April 24, 2019 - 12:00am

PINUTOL ng isang lalaki sa India ang sarili niyang daliri matapos na mali ang iboto niyang partido sa eleksiyon.

Mapapanood sa nag-viral na video ang pagpapaliwanag ni Pawan Kumar kung bakit niya pinutol ang kanyang hinlalaki.

Ayon kay Kumar, nalito siya sa mga nakalistang simbolo sa electronic voting machine na kumakatawan sa iba’t ibang partido kaya nagkamali siya at naiboto ang partido ni Prime Minister Narendra Modi sa halip na kalaban nito sa eleksiyon sa Uttar Pradesh nito lamang nakaraang Huwebes.

Nalito kasi siya sa simbolo ng lotus na kumakatawan sa partido ni Modi at sa simbolo ng elepante na kumakatawan naman sa Bahujan Samaj party na gusto niyang iboto.

Dahil sa labis na pagkadismaya, umuwi si Kumar at pinutol ang kanyang daliri. Makikita sa isa pang video si Kumar at may nakabalot nang bandage sa isa niyang mga daliri.

Maaring ginawa niya ito dahil naalala niya ang kanyang pagkakamali kapag nakikita niya ang indelible ink sa pinutol na daliri.

PAWAN KUMAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with