^

Punto Mo

Sugar Mommy (01)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HELPER-MECHANIC si Jericho sa isang talyer na pag-aari ng kanyang Ninong Nick. Pagkatapos niya ng high school, nag-aral siya ng dalawang taong automotive course. Balak niya na mag-Saudi kapag nagkaroon ng experience sa pagmemekaniko. Nang malaman ng kanyang Ninong Nick na tapos siya ng automotive niyaya siya nito na dun muna sa talyer niya magpraktis.

“Dun ka muna sa talyer ko Jericho para mahasa ka nang todo. Kapag mahusay na mahusay ka na e di saka ka mag-Saudi.’’

“Sige po Ninong. Sabi nga po ni Papa e sa inyo muna ako pumasok para marami akong matutuhan.’’

“Hindi na ako dina­dalaw ng Papa mo, Jericho. Matagal na kaming hindi nagkakakuwentuhan. Sa printing press pa rin ba siya nagtatrabaho?’’

“Opo. Pero sabi ni Papa, nagbabawasan na raw sa kanilang kompanya dahil nalulugi na raw.’’

“Nung huli kaming magkakuwentuhan e balak na yata niyang magretiro.’’

“Balak na nga po, Ninong. Kaso sabi ni Papa kulang pa raw siya sa taon bago mabayaran nang buo. E maliit din naman ang sahod ni Papa kaya maliit pa rin ang makukuha niya. Kaya siguro nagtitiyaga pa si Papa.’’

“A, baka nga. Teka mayroon pa bang pinag-aaral ang papa mo?”

“’Yun pong bunso namin, nasa first year college po.’’

“A mabigat pa pala ang pasanin ng papa mo. Si Mama mo naman ay wala ring pinagkakakitaan ano?’’

“Opo, Ninong kaya nga gusto kong makapag-Saudi para matulungan sina Papa.’’

“Sige, magtiyaga ka muna dito sa talyer ko at nang maging mahusay ka. Kapag mahusay na mahusay ka na e di saka ka mag-aplay sa Saudi.’’

“Yun nga po ang balak ko Ninong.’’

“Pero kung ako sa’yo, Jericho, bakit di mo subukang mag-artista?’’

Nagtawa si Jericho.

 “Hindi ko linya ang pag-aartista, Ninong.’’

“E ang guwapo mo e. Hindi ka nga mukhang mekaniko. Sayang ang kaguwapuhan mo. Nagmana ka yata sa akin e ha-ha-ha!’’

“Oo nga Ninong, mana ako sa’yo, ha-ha-ha!’’

“Walang biro, puwede kang artista. Matangkad ka, maganda ang built ng katawan, maganda ang mga mata, puwedeng-puwede ka, inaanak!’’

“Wala nga akong hilig, Ninong.’’

“Ikaw ba e mayroon nang siyota?’’

“Wala pa po.’’

“Aba, bakit?’’

“E nakapokus po muna sa paghahanap ng pagkakakitaan. Gusto ko nga pong makatulong kina Papa.’’

“Ah sabagay. Pero si­guro may mga bading at matrona na nagpapahaging sa’yo ano? Yang tipo mo ang kursunadahin ng matrona at bading e, he-he-he!”

“May bading po na nagkakagusto pero ayaw ko. Takot ako, ha-ha-ha!’’

“Mas maganda kung matrona ang makagusto sa’yo. Yung mayaman para sagana, ha-ha-ha!’’

“Mahirap yata Ninong. Baka walang maka-type, ha-ha-ha.”

“Malay mo may biglang dumating.”

ISANG araw, si Jericho lamang ang nasa talyer. Wala ang kanyang ninong dahil may nilalakad.

Isang babae na nakasakay sa SUV ang nagtanong sa kanya.

Napansin ni Jericho na malagkit ang tingin sa kanya ng babae.

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with