^

Punto Mo

Mga sikat na nakatanggap muna ng maling panghuhusga

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

• Si Albert Einstein ay natuto lang magsalita nang siya ay apat na taon. Mga pitong taon na siya nang matutong magbasa. Inilarawan siya ng kanyang guro na “mentally slow, unsociable, at mananatili na lang na panaginip ang kanyang mga pangarap.” Sa bandang huli ay na-expelled siya sa Zurich Polytechnic School.

• Noong si Peter J. Daniel ay nasa grade four, sinabihan siya ng kanyang guro na si Mrs. Philips na: “Peter, kagaya ka ng isang bulok na mansanas na siguradong walang mararating sa buhay.” Sakitin siya at may dyslexia. Edad 26 na siya nang matutong magbasa at magsulat. Isang kaibigan ang matiyagang nagbasa sa kanya ng librong Think and Grow Rich na sinulat ni Napoleon Hill. Iyon ang ginawa niyang motibasyon upang paunlarin ang sarili. Ngayon ay author siya ng maraming libro na nagtuturo na maging positibo sa buhay. Isa na rito ay may pamagat na “Mrs. Philips, You Were Wrong: A Formula to Handle Rejection”.

• Napansin ng kanyang guro na hindi magaling tumugtog ng violin si Beethoven. Katwiran ni Beethoven sa kanyang guro: Gusto ko ay sarili kong komposisyon ang aking tugtugin. Ang sagot ng guro:  Hindi mo magawang tumugtog nang wasto gamit ang violin, makalikha pa kaya ng sariling komposisyon. Imposible!

• Pinangarap ng mga magulang ni Enrico Caruso na maging engineer ito dahil pinintasan ng voice teacher si Enrico na hindi maganda ang boses nito sa pagkanta.

• Si Leo Tolstoy na sumikat sa kanyang sinulat na War and Peace ay bumagsak sa kolehiyo dahil ayon sa mga propesor niya: mahina ang ulo nito.

 

vuukle comment

PANGHUHUSGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with