^

Punto Mo

Canadian company, nagtala ng guinness record para sa pinakamaraming ‘high five’

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKAPAGTALA ng bagong world record ang mga empleyado ng isang Canadian company matapos nilang makumpleto ang 509 “high fives’’ sa loob lang ng 3 minuto.

Ginunita ng mga manggagawa ng Johnston Group sa Winnipeg ang “National High Five Day” sa pamamagitan ng pagbasag sa Guinness record para sa pinakamaraming high fives o apir sa loob ng 3 minuto, na isang record na huling naitala noong July 2017 sa London kung saan 492 beses na nag-apir ang mga naging world record holder.

Ayon sa grupo ng 33 empleyado na lumahok sa world record attempt, ilang buwan silang nag-ensayo araw-araw tuwing lunch break nila.

Kinailangan daw nilang gumawa ng technique upang mapabilis ang kanilang pag-apir, ayon kay Stacey Klaseen na isa sa mga empleyado ng kompanya.

Nakatatlong official attempts ang mga empleyado at nagawa nilang makapag-apir ng 494, 489 and 509 beses.

Ayon sa kompanya, isusumite na nila ang video ng kanilang naging world attempt at iba pang pruweba sa Guinness para opis­yal nang kilalanin ang kanilang naitalang record.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with