Babae sa texas, nagluwal ng 6 na sanggol sa loob ng 9 na minuto

SA isang iglap, nadagdagan ng kalahating dosenang mga miyembro ang isang pamilya sa Texas.

Ito’y matapos magluwal si Thelma Chiaka ng sextuplets sa Woman’s Hospital sa Texas.

Ipinanganak niya ang dalawang pares ng kambal na lalaki at isang pares ng kambal na babae.

Inabot lang ng 9 minuto ang panganganak ni Thelma sa anim na supling.

Kahit sextuplets, iba-iba pa rin ang timbang ng mga sanggol. May ipinanganak na one pound, 12 ounces lang ang bigat samantalang mayroon ding umabot ng two pounds, 14 ounces ang timbang.

Ayon sa Women’s Hospital, stable na ang kondis­yon ng mga sanggol, na nanatili pa rin sa panga-ngalaga ng advanced neonatal intensive care unit ng ospital.

Nasa maayos na ring kondisyon si Thelma, na pinangalanan ang kanyang dalawang sanggol na babae na Zina at Zuriel.

Ayon sa ospital ay para na ring nanalo sa lotto si Thelma dahil ang tsansa raw ng pagkakaroon ng sextuplets ay nasa isa sa bawat 4.7 bilyon.

 

Show comments