^

Punto Mo

Utol (173)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

INILIBOT ni Xander si Anna sa bawat department ng banana chips factory. May mga emplea­dong nakipag-selfie pa sa dalawa. Ipinakilala ni Xander na si Anna ang kanyang nobya at malapit na silang ikasal.

Huling pinuntahan nila ay ang mga proseso sa paggawa ng banana chips. Napakarami palang pinagdadaanan ng paggawa ng masarap na banana chips. Mga moderno ang gamit mula sa pag-aalis ng balat ng saging na saba, paggayat nito, pagluluto hanggang sa packaging. Pang-export ang banana chips kaya naman may kalidad. Sinisigurong malinis at maayos ang pagkakagawa.

“Halika, Anna at tikman mo ang banana chips. Tingnan ko ang reaksiyon mo kapag nalasahan mo ito.’’

“Sige nga, matikman at nang mahusgahan.’’

Humingi si Xander ng banana chips na hindi pa nakabalot.

“Tikman mo!’’

Dumampot si Anna.

Isinubo.

Nginuya.

“Ang sarap! Walang ka-sing sarap Xander!’’

“I told you, da best ang banana chips dito. Isa pang tikim! Para lubos mong manamnam ang sarap.’’

Dumampot uli si Anna.

“Ang sarap talaga!’’

“Paniwala ka na?’’

“Oo.’’

Pagkatapos niyon, ipinasyal ni Xander si Anna sa burol. Mula roon, tanaw ang buong asyenda.

“Ang sarap manirahan dito Anna. Payag kang dito manirahan pagkatapos na-ting makasal?’’

“Oo naman. Magbibitiw na ako sa trabaho at dito na tayo forever.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with