^

Punto Mo

Holdaper, ibinalik ang pera nang makitang walang laman ang bank account ng biktima

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

TILA nakonsensiya ang isang holdaper sa China nang ibalik nito ang pera matapos niyang makita ang bank account ng kanyang biniktima.

Nakita kasi ng holdaper na halos wala nang laman ang bank account ng pobreng babae na kanyang hinoldap.

Makikita sa kuha ng surveillance camera ng banko na nagwi-withdraw sa ATM ang isang babae na kinilala lamang sa pangalan na Li nang bigla na lang siyang lapitan at pagbantaan ng isang lalaking may hawak na patalim.

Ibinigay kaagad ni Li ang hawak niyang 2,500 yuan sa lalaki, na tiningnan ang kanyang account balance sa screen ng ATM.

Nang makitang malapit nang mag-zero ang laman ng kanyang account ay ibinalik ng holdaper ang pera kay Li.

Hindi naman ito sapat upang makatakas ang holdaper sa kanyang pananagutan dahil hindi kalaunan ay hinuli pa rin siya ng mga pulis at ikinulong para sa salang armed robbery.

vuukle comment

HOLDAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with