^

Punto Mo

Utol (146)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANONG pasya mo Xander? Hahanapin mo ba si Anna sa sinabi kong address?” tanong ni Dino.

 

“Oo, Dino.’’

“Sige good luck sa’yo. Mabuti at inabutan kita rito sa bus station. Sabi ni Nanay Lucing ay narito ka raw at paluwas na.’’

“Maraming salamat sa’yo Dino. Hayaan mo at kapag dumalaw uli ako e mayroon akong ibibigay sa’yo.’’

“Teka nga pala, baka gusto mong pasalubungan ang iyong utol ng uraro, marami akong tinda.’’

Saka lamang naalala ni Xander na naipangako niya iyon kay Gerald at sa dalawang matanda.

“Nakakahiya naman kung babalik ka pa sa bahay mo para lang kumuha ng uraro.’’

“Aba hindi Xander. Mayroon akong puwesto rito sa bus station. Halika at ikukuha kita.’’

Sumama si Xander.

Malaki ang tindahan ni Dino ng mga pasalubong. Isang babae ang naroon at namamahala. Kumuha si Dino nang maraming balot ng uraro at ibinigay kay Xander.

“Magkano ito, Dino?’’

“Huwag na. Bigay ko sa’yo.”

“Salamat. Sa pagbalik ko na lang saka ka bumawi.’’

“Ayos lang yun.’’

“Aalis na ako, Dino.’’

“Sige Xander. Sana makita mo si Anna.’’

“Sana Dino.’’

Sumakay na si Xander sa bus.

(Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with