Betrayal of public trust?

THE other day, pinalagan ng National Union of Students of the Philippines my Philippines ang mga pakulo ni Ronald Cardema, ng National Youth Commission dahil gusto ng huli na alisan ng scholarship ang mga students na sumasama sa mga kilos protesta versus gobierno.

 

Mukhang overacting si Cardema sa kanyang mga pinagsasabi dahil wala itong karapatan na pagbawalan ang mga student  na magprotesta laban sa maling patakaran ng gobierno, kahirapan at paglabag sa human rights.

Sabi nga, si Cardema ang sipain at hindi ang mga student na nagpo-protesta sa gobierno ang tatanggalan ng scholarship!

Ano ba ito?

Ayon sa NUJP, ang protesta ay isang klase ng ‘freedom of expression,’ ito ay nasa Constitution.

Mali ang pananaw ni Cardema sana itama nito ang mali.

Abangan.

• • • • • •

Oplan ‘linis ilog, kanal, imburnal,’ umpisahan na

Habang tag-init at tag-tuyot at hindi pa tag-ulan, dapat madaliin ng mga bright sa gobierno ang paglilinis ng ilang mga piling ilog na nag-uumapaw sa basura, kaya tuloy mabaho at napakarumi nito.

Kawawa kasi ang madlang people oras na nagbaha sa kanilang lugar at hindi natanggal ang mga madudumi, mabaho at nanggigitatang mga basura sa kanila.

Ika nga, ‘health problem,’ kapag ganito ang situwasyon sa kanilang paligid dahil na rin ang iba sa kanila ay mga salaula.

Sabi nga, tapon doon, tapon dito ng mga basura!

Dapat ang tauhan ng gobierno na gagawa ng ‘oplan linisan’ ay bilisan ang kanilang mga gagawin para makuha agad ang mga tambak na mga basura sa mga baradong kanal at imburnal sa Metro-Manila.

Ang masama kasi kaya lumaki ang problema ay nagpabaya ang lokal na pamahalaan sa paglilinis ng kanilang mga basura na naging dahilan tuloy ng pagbabara ng mga ilog, kanal at iba pa.

Hindi biro ang problema ng gobierno sa paglilinis ng Tullahan river, Navotas river at ilan pang ilog sa Metro - Manila dahil kailangan itong ma-dredging at malinis para tuluy-tuloy ang takbo ng tubig.

Ano sa palagay ninyo?

Abangan.

Show comments