Utol (139)
Utol (139)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - February 17, 2019 - 12:00am

“HINDI ko po malimutan ang nangyari noon na inapi-api ako at sinabihang “putok sa buho”. Napakasakit! Paki­ramdam ko, ako na ang pinaka-kawawang nilalang sa mundo. Pero napatawad ko na po  ang mga taong lumait-lait sa akin. Mahirap din kasi sa kalooban na mayroong kinikimkim na sama ng loob. Wala na akong hinanakit sa kanila,” sabi ni Xander na tapos na noon sa pagkain.

“Parang kilala ko ang mga taong tinutukoy mo Xander,” sabi ni Rosa.

Napangiti si Xander.

“Sino Rosa?’’ tanong niya.

“Kung hindi ako nagkakamali ay ang ina ng nililigawan mo nun. Tama ba ako Xander?’’

“Tama ka Rosa. Paano mo nalaman ang nangyari?’’

“Naku kalat na kalat dito sa lugar natin ang ginawa sa’yo ng ina ng nililigawan mo. Masama naman talaga ang ugali ng ina. Nagkaroon lang ng kaunting pagkaka-kitaan ay akala mo kung sino na. Mas lalo pa siguro kung mayaman sila.’’

“Sino ang tinutukoy mo Rosa?”’tanong ni Nanay Lucing.

“Si Aling Anding!’’

“Ah yung may pagawaan ng tsinelas dati. Naku e kilalang matapobre yun. Akala at porke mayroon siyang tindahan ng tsinelas ay puwede na siyang manlait ng kapwa. Pero patay na si Anding di ba? Noong nakaraang taon pa di ba Rosa?’’

“Opo. Halos magkasunod silang mag-asawa,’’ sagot ni Rosa.

“Patay na silang mag-asawa, Rosa?’’

“Oo Xander.’’

“E yung anak na babae?’’

“Yung nililigawan mo?’’

“Oo!’’

“Wala pa raw asawa! Hindi ko lang malaman kung nasa Maynila at dun nagtatrabaho.’’

May kakaibang ligaya na nadama si Xander.

(Itutuloy)

UTOL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with