Babae sa Kuwait, diniborsiyo agad ang asawa 3 minuto matapos silang ikasal
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - February 15, 2019 - 12:00am

ISANG babae sa Kuwait ang humiling kaagad ng diborsiyo tatlong minuto pa lang pagkatapos niyang pirmahan ang marriage contract nilang mag-asawa.

Natapilok kasi ang kakakasal lang na babae nang sila ay lumabas ng korte kung saan nagpirmahan sila ng marriage contract ng kanyang asawa .

Diumano’y ininsulto siya ng lalaki dahil sa kanyang pagkakatapilok sa pamamagitan ng pagtawag sa kanya ng stupid (tanga).

Hindi naman ito basta-basta pinalampas ng babae na sa sobrang galit sa pang-iinsulto sa kanya ay agad bumalik sa loob ng korte upang humiling ng diborsiyo mula sa lalaki na pinakasalan niya tatlong minuto lang ang nakararaan.

Suportado naman ng mga netizens ang desisyon ng babae. Kung ganito raw kasi ang asal ng lalaki sa simula pa lamang ng kanilang relasyon, mabuti pa ngang kumalas na kaagad ang babae mula sa kanilang kasal

Dagdag pa ng isa: “Marriage without respect is a failed one from the start.” 

MARRIAGE CONTRACT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with