^

Punto Mo

EDITORYAL - DOTr, huwag makinig sa mga mambabatas ukol sa ‘Angkas’

Pang-masa
EDITORYAL - DOTr, huwag makinig sa mga mambabatas ukol sa �Angkas�

INUUTUSAN ng ilang mambabatas ang Depart-ment of Transportation (DOTr) na payagan o i-re-gulate na ang operasyon ng “Angkas”. Minamadali ng mga mambabatas ang DOTr na gawing public utility vehicle ang “Angkas’’ sapagkat ayon sa mga ito, ligtas, mabilis at abot-kaya ng pasahero ang “Angkas”.

Wala naman daw dahilan para pigilan ang “Angkas” na makayaot sa maraming lugar sa Metro Manila. Kung ano raw ang ginawang pagpayag ng DOTr sa mga Transportation Network Vehicle Service (TNVS) dapat ganito rin ang gawin sa “Angkas”.

Kasalukuyang may temporary restraining order (TRO) ang “Angkas” na inisyu ng Supreme Court noong nakaraang Disyembre 2018. Gayunman, kahit may TRO, nilalabag pa rin ito ng ilang riders at patuloy na bumibiyahe.

Hindi dapat mapahinuhod ang DOTr sa gustong mangyari ng ilang mambabatas para payagang makapag-operate ang “Angkas”. Delikado kapag nakapag-operate at maging PUV ang “Angkas” sapagkat delikado ang buhay ng mga aangkas. Sa report, karamihan ng mga naaaksidente araw-araw sa kalsada ay pawang mga naka-motorsiklo.

Noong Biyernes, nagkaroon ng aksidente sa May- nila kung saan isang motorsiklo ang biglang nag-overtake sa ten-wheeler truck sa gawing kaliwa. Nahagip siya ng truck. Pumailalim ang motorsiklo at naipit ang driver nito. Namatay ang nagmomotorsiklo. May aksidente ring nangyari sa Valenzuela na ang sangkot ay mag-amang magkaangkas sa motorsiklo. Nag-overtake ang motorsiklo at nasalpok ng kasalubong na truck.

Ginagawang dahilan ng mga nagsusulong sa “Angkas” na kulang na kulang daw ang mga pampasaherong sasakyan kaya dapat payagan ito para may pagpilian ang mga pasahero. Ikinakatwiran din na mabilis silang nakararating sa patutunguhan kahit trapik kaya dapat aprubahan na ang “Angkas”.

Malinaw na nakasaad sa Republic Act 4136 (Land Transportation and Traffic Code), na ang motorsiklo ay hindi maaaring gamitin bilang public utility vehicle (PUV) o pamasahero. Maintindihan sana ito ng mga mambabatas na pinipilit payautin ang mga motorsiklong may angkas na pasahero.

vuukle comment

ANGKAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with