^

Punto Mo

Utol (112)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI makapaniwala si Gerald sa sinabi ni Xander na nakadalaw na ito sa puntod ng kanilang papa.

Paano nangyari iyon? Ibig sabihin habang naghahanap siya kay Xander, ito naman pala ay nasa ka­ni­lang probinsiya. Gusto niyang humalakhak sa nangyari.

“Kailan ka dumalaw sa puntod ni Papa, Xander?’’

“Noong nakaraang buwan lang, Utol.’’

“Kung noong nakaraang buwan lang bakit hindi tayo nagkita roon. Halos araw-araw ay nasa musuleo ako, Utol Xander.’’

“Nagkita tayo Utol!’’

“Kailan?’’

“Natatandaan mo ba noong magtungo ka sa musuleo at may lalaking big­lang tumakbo papalayo? Ako yun Utol!’’

Binalikan ni Gerald ang mga sinabi ni Xander.

Oo nga! Natatandaan na niya. Nang magtungo siya roon, isang lalaki ang nakita niyang nakatayo sa harap ng musuleo at nang makitang papalapit siya, biglang tumakbo papalayo. Hinabol niya ito pero mabilis na nawala sa likod ng musuleo at mga nitso. Hindi na niya nakita ang lalaki.

“Paano mo nalaman na doon nakalibing ang ating ama, Xander?’’

“Nagtanung-tanong ako, Utol. Bago pa ako nagtungo sa probinsiya, nag-research na ako at nalaman ko ang mga mahahalagang impormasyon kay Don Jaime --- sa ating ama. At mayroon ngang nakapagsabi na sa public cemetery siya nakalibing. Hinanap ko. Madali ko namang nakita. Sa totoo lang, nakailang beses na akong nagtungo sa semen-teryo. Minsan mo nga lang akong inabutan.’’

“Pero kilala mo na ako noon na anak ni Don Jaime?’’

“Oo. Pinagtanong na rin kita.’’

“E bakit tumakbo ka pa? Bakit hindi mo ako hinintay para tayo magkakilala. E di sana matagal na tayong nag-meet at hindi na sana tayo napasubo ng away sa mga siga.’’

“Magulo pa ang isip ko nun, Utol. Sa totoo lang, talagang may hinanakit ako sa ating ama. Pakiramdam ko, pinabayaan na talaga niya ako. Hindi na ako naalala. Wala nang interes sa akin dahil anak lang ako ng tsimay. Yun ang dahilan kaya naging matigas ang loob ko. Gusto ko laging palaban.’’

“A kaya pala nung una tayong mag-meet e napaka-wild mo. Para kang walang puso.’’

“Sorry Utol, talaga lang nadala ako nang labis na pagkaawa sa sarili. Patawarin mo sana ako.’’

“Oo naman. Naintindihan kita Utol.’’

“Salamat Utol.’’

“E di sasama ka na sa akin sa pag-uwi. Para makita mo ang iyong kabuhayan dun.’’

“Kabuhayan? Anong kabuhayan?’’

“Mana mo kay Don Jaime --- sa ating ama!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with