^

Punto Mo

Presinto sa Station 1 ng MPD, kaltas ang allowance!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NAKASIMANGOT sa ngayon ang apat na hepe ng Police Community Precinct (PCP) sa sakop ng Station 1 ng Manila Police District (MPD) dahil nabawasan o nawala ang kanilang weekly allowance.

Noong panahon kasi ni Supt. Jay Dimaandal, bilang hepe ng Station 1, aba sagana ang apat na PCP sa allowance kaya abot-langit ang mga accomplishments nila. Sinabi ng mga kosa ko na binibigyan ang bawat PCP ni Dimaandal ng P20,000 na maintenance and other operations expenses (MOOE) kaya’t masipag silang magtrabaho hindi lang laban sa kriminalidad kung maging sa droga.

Hindi lang ‘yan! May parating din na P35,000 galing sa sugal lupa at ang tatlong PCP commander ay may tig-P5,000 pa weekly galing kay Dimaandal. Kaya lang, nang maupo si Chief Supt. Jigs Coronel bilang hepe ng Central Luzon police, aba hinatak niya si Dimaandal at siyempre sumama ang naturang police official dahil promotion ito at maiba naman ang hangin sa bakuran n’ya.

Pinalitan si Dimaandal ni Supt. Rey Magdaluyo bilang hepe ng Station 1 at doon na nagsimula ang kalungkutan sa buhay ng PCP commanders. Araguuyyyy! Kasi nga mga kosa, ang P20,000 na MOOE ay naging P10,000 na lang at ang parating na P5,000 ay nabura sa listahan. Potaahhhh!

Kaya’t hayan kahit mahigit na isang buwan na si Magdaluyo sa puwesto subalit mukhang ang mga ordinance violators lang ang kaya nilang hulihin sa PCP. Hak hak hak! Palaging No. 1 si Dimaandal sa ratings ng MPD noon dahil sa tulong ng PCP commanders n’ya subalit ewan ko lang sa panahon ni Magdaluyo. Get’s n’yo mga kosa?

Kapag kulelat na si Magdaluyo sa ratings nitong 1st quarter puwede na siyang sibakin ni NCRPO chief Dir. Guillermo Eleazar, di ba mga kosa?

Kung sabagay, hindi lang ang PCP commanders ang nakasimangot sa Station 1 kundi maging ang enkargado ni Magdaluyo na si PO2 Dennis Ramos. Dati-rati kasi, umabot sa P120,000 ang weekly parating sa hepe ng Station 1 sa lahat ng pagkakitaan subalit sa panahon ni Magdaluyo, lomobo ito sa P175,000 weekly.

Kaya hayun, hirap na hirap si Boss Dennis na punuan ito at tiyak iiyak ang mga sugal lupa, vendors at iba pa sa sakop ng Station 1. Ayon sa mga kosa ko, kinausap ni Ramos si Magdaluyo na ibaba ang figure sa dati subalit ayaw pumayag ng huli dahil nasimulan na raw ito.

Follow the leader lang si Magdaluyo? Araguuyyy! Hak hak hak! Ano ba ang nangyari sa MPD at puro pitsa ang unang nilalakad ng mga opisyal imbes na ang mga drug pusher, user at kriminal? Ito ba ang tinatawag mong pagbabago Pres. Digong Sir?

Kaya hayan, noong nakaraang mga taon, ang MPD at ang Quezon City Police District (QCPD) ang naghahabulan sa accomplishments subalit sa ngayon, hindi na.

Milya-milya na ang agwat ng QCPD sa liderato ni Chief Supt. Joyet Esquivel sa accomplishments at ang malungkot pa nito hindi ang MPD ang kasunod kundi ang Southern Police District (SPD) sa liderato ni Chief Supt. Elizeo «Ely» Cruz. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Anyare PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde Sir? Abangan!

vuukle comment

OPERATIONS EXPENSES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with