Higit 100 ektaryang solar farm na hugis panda, itinayo sa China
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - January 6, 2019 - 12:00am

KADALASAN, binubuo ang solar farms ng mga solar panels na nakahanay at nakapila ng diretso ngunit isang solar power plant sa China ang naging malikhain sa pagdisenyo ng kanilang solar farm.

Nagtayo kasi ang China Merchants New Energy Group, isa sa pinakamalaking solar company sa China, ng isang bagong solar power plant kung saan ang mga solar panels ay isinaayos upang bumuo ng higanteng imahe ng isang panda.

Binansagang Panda Power Plant, makakapag-supply ito ng 3.2 billion kilowatt-hours ng solar energy sa loob ng 25 taon ayon sa kompanya. Dahil dito, milyun-milyong tonelada ng uling ang hindi na kakailanganin sa paglikha ng kuryente, na makatutulong sa pagbabawas ng 2.74 milyong tonelada ng carbon emissions na sanhi ng global warming.

Plano ng kompanya na magtayo pa ng limang hugis-pandang power plants sa susunod na limang taon.

CHINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with