^

Punto Mo

Utol (70)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN at sa mga sumunod pang mga araw, muling dinalaw ni Gerald ang libingan ng mga magulang at wala naman siyang nakitang lalaki na kahina-hinala ang kilos. Maaaring nagkamali lang siya sa panghuhusga sa lalaki na mayroon itong gagawing masama sa musuleo. Maaaring napadaan lang at napatingin ang lalaki sa kanilang musuleo. Hindi masamang tao ang lalaki. Maaaring may dadalawin lang itong kamag-anak na nakalibing. Pero bakit nagmamadali rin itong umalis nang mahalatang bumilis ang paglapit niya? Parang umiiwas?

Sa dakong huli, inalis na ni Gerald ang paghihinala sa lalaki. Wala itong masamang balak.


ISANG araw, tinawagan ni Gerald si Gemo para kumustahin kung nakita na nito si Xander.

“Kumusta Gemo? Bumalik na ba si Xander sa bahay nito?’’

“Wala pa Sir Gerald. Araw-araw kong sinisilip ang bahay pero wala talaga.’’

“Palagay mo uuwi pa si Xander diyan?’’

‘‘Palagay ko po Sir.’’

“Bakit kaya matagal bumalik?’’

“Hindi ko po alam, Sir Gerald. Ngayon lang siya nagtagal ng gani­to.’’

‘‘Baka naman umuwi sa kanila sa Liliw?’’

‘‘Pero wala na po si­yang uuwian dun dahil patay na parents niya.’’

‘‘Kamag-anak?’’

‘‘Hindi ko po alam kung may kamag-anak si Xander.’’

Hindi nagsalita si Ge-rald.

Maya-maya nagpaalam na ito.

‘‘O sige Gemo basta yung usapan natin, text mo agad ako kung umuwi na si Xander.’’

“Areglado Sir.’’

Matapos ang pag-uusap, nagpasya si Gerald --- pupunta siya sa Liliw. Maaaring naroon si Xander.

Naisip ni Gerald, kahit pa wala ng bahay na uuwian dun si Xander, hindi pa rin niya nalilimutan ang bayang sinilangan.

(Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with