^

Punto Mo

Lalaki nagpush-ups ng 13,186 beses sa loob ng 8 oras

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKUHA ni Brett Masserant, isang 29-anyos na lalaki mula US ang world record para sa pinakamadaming nagawang push-ups sa loob ng 8 oras.

Halos hindi huminto si Brett sa pagpupush-ups sa loob ng 8 oras na iyon, kaya naman nagawa niyang makapag push-ups ng 13,186 beses — o katumbas ng 1,648 kada oras o 27 kada minuto.

Bukod sa nakakalulang bilang ng kanyang nagawang push-ups ay opisyal na ring kinilala ng Guinness World Records ang nagawa ni Brett, kaya malabo na itong mahigitan ng basta-basta.

Bago ito ay nakapagtala na rin ng ibang world records si Brett Masserant na may kinalaman din sa pagpupush-ups. Nagawa na niyang maitala ang world record para sa pinakamaraming push-up na nagawa sa loob ng 1 minuto (77 beses) at ang pinakamaraming push-ups habang may karga-kargang 27.2 kilong pampabigat (59 na beses).

Talaga namang push-ups ang specialty ni Brett at wala siyang planong tumigil ng pagtatala ng ilan pang world records ukol sa nasabing ehersisyo.

vuukle comment

BRETT MASSERANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with