Teenager sa Nepal, sumayaw ng 126 oras para sa world record

ISANG teenager sa Nepal ang nagtanghal ng isang solo dance routine sa loob ng 126 oras upang nakapagtala ng bagong world record.

Sinimulan ng 17-anyos na si Bandana Nepal ang kanyang record attempt noong November 23  at tumigil lamang siya sa pagsasayaw nitong nakaraang Miyerkules ng hapon, nang opisyal na siyang tanghalin bilang bagong world record holder ng isang Guinness adjudicator.

Tumagal ang pagsasayaw ni Nepal ng 126 oras, na sapat na upang mahigitan ang record ng  taga-India na si Kalamandalam Hemlatha, na sumayaw sa loob ng 123  oras at 15 minuto noong 2011.

Tuwang-tuwa naman ang ama ng bagong world record holder na si Ram Nepal na kinapanayam ng state-run news agency ng China na Xinhua.

Hindi lamang daw pansariling ta­gum­pay ang nakamit ng kanyang anak dahil para raw sa buong Nepal ang world record na naitala nito. “It’s a moment of pride for all of us,” dagdag pa ni Ram.

Show comments