^

Hustisya!

QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - October 27, 2018 - 12:00am

PINADALHAN tayo ng e-mail ng grupong Gabriela para manawagan ng Hustisya sa siyam na minasaker sa Sagay City. Kaya entoto nating ginamit ito.

Nakikiisa ang Gabriela sa panawagang mabigyan ng hustisya ang pagkakapaslang sa siyam na mga magsasaka sa Sagay City, Negros at mapanagot ang mga utak at sangkot sa madugong krimeng ito. 

May 13 insidente na ng pangmamasaker sa mga magsasaka ang naitala ng Karapatan at, halos 200 magsasaka na ang napapatay sa panahon ng panunungkulan ni Duterte.

Ayon kay Joms Salvador, Secretary General ng GABRIELA, ang masaker sa Sagay City ang pinakahuli sa humahabang listahan ng krimen ng rehimeng ito, at posibleng hindi pa ito ang maging huli dahil sa matagal nang kuntsabahan ng estado at mga panginoong maylupa na monopolisahin ang kontrol sa lupa. 

Simula’t sapol ay kakampi na ng mga malalaking asyendero ang mga nasa estado poder. Nagagamit diumano nila ang sandatahang pwersa bilang mga pribadong tagapagbantay ng mga lupaing kinakamkam mula sa mga lehitimong nagbubungkal nito.

Kasuklam-suklam ang ginagawang pagtatakip at panlilinlang umano ng Armed Forces of the Philippines. 

Hindi na nga magkakarugtong ang kanilang mga pahayag, magkakabangga pa ang kanilang mga datos para lang umano mapagtakpan ang karahasang sila raw ang nagpasimuno, linisin ang kanilang mga duguang kamay at, maibalik ang sisi sa mga magsasaka at sa mga progresibo, na walang maling ginagawa kundi ang ipaglaban ang kanilang karapatan sa lupa at karapatang mabuhay.

Nagsagawa ng candle-lighting ang mga grupo sa Quezon City bilang pag-alala sa mga namatay. 

Ang apoy mula sa mga kandila, ay hindi lamang simbolo ng pagluluksa, higit pa ang mensaheng nais iparating ng mga nagluluksa. Ito ay simbolo ng pag-aalab ng mga damdamin ng mga patuloy at magpapatuloy sa pakikibaka upang makamit ang hustisyang panlipunan na ilang dekada nang ipinaglalaban.

 Patuloy na mananawagan ang Gabriela upang makamit ang katarungan sa mga biktima..

Abangan.

HUSTISYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with