^

Punto Mo

Utol (21)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MAYROON kasing kuwarto sa basement na ginagawang tulu-ngan ng mga bisita. Doon dinadala ni Sir Jaime si Catalina kapag gusto nilang magtalik. Si Sir Jaime lang ang naghahawak ng susi sa basement. Sabi ni Catalina, hindi na siya makatanggi sa hiling ni Sir Jaime sapagkat napamahal na ito sa kanya. Masyado raw kasing mabait sa kanya si Sir. Kaya anumang hilingin nito sa kanya, sunud lamang nang sunod.

“Pero nasabi rin ni Catalina na kaya raw gustung-gustong makipagtalik ni Sir Jaime sa kanya ay para mabuntis na siya. Gustung-gusto raw ni Sir Jaime na magkaroon ng anak. Kasi nga ang buong akala ni Sir Jaime ay hindi na mabubuntis si Mam Sofia. Matagal na silang kasal at nagkakaedad na si Mam. At isang paraan para magkaroon ng supling ay walang iba kundi si Catalina. Tiyak na tiyak daw ni Sir Jaime na agad magbubunga ang kanyang punla sa sinapupunan ni Catalina sapagkat nasa katamtamang edad – beinte anyos. Sariwang-sariwa si Catalina. Isa pa, talaga namang kabigha-bighani ang kagandahan ni Catalina. Maliit ang baywang, katamtaman ang laki ng suso at makinis ang balat. Kaya kapag nagkakaroon ng pagkakataon ang dalawa, idinadaos nila ang init ng pagmamahalan sa basement.

“Pero may isang pagkakataon na muntik na silang mahuli ni Mam Sofia. Muntik na talaga!’’

“Ano pong nangyari, Nanay Luisa?” tanong ni Gerald.

“Nagkataon kasi ng araw na iyon na may dumating na kamag-anak si Mam Sofia at doon sa basement niya patutuluyin. Hinanap niya ang susi pero hindi makita. Nagpasya itong magtungo sa basement…’’

Naghihintay si Gerald sa mga ikukuwento pa ni Nanay Luisa. Marami palang kuwentong nakapaloob sa relasyon ng kan­yang papa – si Sir Jaime sa magandang maid na si Catalina.

(Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with