Si Boss Digong at ang drug matrix nito, bow

BUKING sa drug matrix na ibinulgar ni Boss Digong ang tindi ng sindikato ng illegal drugs kaya pala hirap itong masungkit para panagutin sa pagkalat nito sa Philippines my Philippines dahil ang ‘utak’ ng malaking drug syndicate ay number 2 sa pinakamataas na PDEA official at mga members niyang anti-drug officials kasama pa diumano ang 6 foolish cops.

Sa inilabas na drug matrix ni Boss Digong ibinuko nito ang umaaktong leader ng grupo na si PDEA deputy director general for administration Ismael Gonzales Fajardo, na diumano’y well known sa drug community na alyas ‘scorer’ at ‘recycler’.

Ito umano ang gumagawa ng mga istorya regarding sa kanilang illegal drug operations.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Siguro dahil hindi basta - basta maglalabas si Boss Digong ng mga ganitong klase ng pagbubulgar kundi niya ito pina-verify mabuti.

Sinipa ni PDEA Director General Aaron Aquino si Fajardo last month matapos ibigay kay Boss Digong ang report sa drug matrix.

Sinasabing mga alipores ni Fajardo sina S/Supt. Eduardo Pade­ron Acierto, dating PNP anti-narcotics stalwart, at  dating OIC ng binuwag na PNP-Anti-Illegal Drug Group, na ang ilan sa mga tao nito ay sabit sa pagpatay kay Jee Jick Joo, isang Korean national, na tinira sa loob ng Crame noon.

Sinasabing tauhan ni Fajardo sina S/Supt. Leonardo Ramos Suan, Supt. Lorenzo Cu­say Bacia, Insp. Lito Torres Pirote, Insp. Con­rado Hernandez Carag­dag, at SPO4 Alejandro Gerardo Liwanag.

Base sa matrix, si Fajardo diumano ang gumagawa ng mga kuento sa ginagawang drug operations sa iba’t  ibang lugar ng Philippines my Philippines.

Kabilang ang ginawang pagbintang kay Philippine Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino ng pagbintantang nag-o-operate ng shabu laboratory sa Celadon Residence may ilang years na ang nakakaraan.

Maraming kuentong tinahi-tahi diumano si Fajardo at kani­yang grupo sa mga drug related raids tulad nang dalawang Filipino-Chinese nationals na hinuli at nakunan daw ng 35 kilong shabu.

Nabuko ang report ng hinimay,himay ang investigation at malaman na dehins pala huli ang dalawang tsekwa sa isang vehicle interdiction operation. Dinukot daw ang mga ito ng grupo ni Fajardo sa isang bodega sa Valenzuela at pinaamin na sa kanila na kanila ang droga.

Lumabas din sa im­bes­tigasyon na mahigit 55 packs ng shabu na 55 kilos ang ebidensiyangginamit laban sa hinuling mga suspects pero lumabas na ninakaw pa umano nila ang iba at sinabing 36 pakete na lamang ang nakumpiska ?

Ang mga involved officials ng PDEA at PNP ay pina - lifestyle check para malaman kung sasn galit ang kanilang kuarta at properties.

Sina Fajardo at Acierto ay isinangkot rin sa missing P6.8-B sha­bu sa magnetic filters sa warehouse sa Cavite, base sa ginawang pagdinig sa kongreso.

Si Acierto ay sabit sa 2014 900 high-powered firearms scam sa PNP.

Show comments