^

Punto Mo

Kung mamalasin ka nga naman minsan

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

WRONG place in a wrong time. Ganito mailalarawan ang sitwasyon ng isang ginang na lumapit sa Bitag-Kilos Pronto action center nitong nakaraang linggo.

Sa dinami-rami ng mga sasakyang pumapasada sa may Santolan, Pasig City, ang kanyang sinasakyang jeep ang nabagsakan ng malaking puno sa isang road widening area.

Ito ang naging sanhi ng pagkabasag ng kanyang panga, dahilan para ibenda at lagyan ng tubo ang kanyang mukha. Sa ganoong kalagayan, pinilit niyang pumunta sa aking tanggapan.

Aksidente ang nangyari at lalong hindi ginusto ng ginang ang kanyang sinapit. Wala siyang masisi at mahabol na maaa-ring makatulong sa kanyang sitwasyon.

Kami sa Bitag-Kilos Pronto, aamin ng totoo. Ang aming serbisyo publiko ay may limitasyon ang kakayahan na tumulong sa kapwa.

Bagama’t hindi namin espesyalidad ang magbigay ng pinansiyal na tulong sa mga nanga-ngailangan, nagsisilbi namang tulay ang aming mga programa na maabot ang mga karampatang ahensiya ng gobyerno maging pribadong tanggapan.

Agad naming inilapit sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang ayudang ito. Mabilis na tinanggap ng PCSO ang ayudang hinihingi ng ginang na ipaopera ang kanyang nasirang panga.

Sinubukan din naming kumatok sa Pasig City kung saan nangyari ang aksidente at bukas palad ding tumugon sa aming inilapit.

Ayon kay Mr. Joji Comsti ng Barangay Affairs Office, dahil hindi residente ang biktima ay personal na magbibigay ng tulong ang tanggapan ng kanilang alkalde.

Dagdag pa niya, magsasagawa rin sila ng imbestigasyon kung lokal o nasyonal na pamahalaan ang may hawak ng proyektong road widening sa lugar ng aksidente kung kaya’t nagbagsakan ang mga puno sa central island nito.

Eto ang tunay na saysay ng serbisyo publiko. Nagtutulung-tulong ang iba’t ibang sangay ng gobyerno at media, di para sa pansariling interes kundi para sa mga taong humihingi ng saklolo.

Sa pamamagitan nito, mas napapadali ang trabaho, napapagaan ang paghihirap ng mga kapwa-tao at nasosolusyunan ang bawat problema ora mismo

Salamat sa mga sangay ng gobyerno at pribadong pamahalaan na patuloy na tumutulong at nagtitiwala sa adbokasiyang ito, sa larangan ng tunay na serbisyo.

vuukle comment

BITAG-KILOS PRONTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with