Matandang Tinali (192)

PERO kahit na may sugat sa ulo si Dra-gon, matibay pa rin ito at sinugod pa rin ng saksak si Dolfo. Muntik na siya sa tiyan. Ga-buhok ang pagitan! Mabuti at nakailag siya.

Muling sumalakay si Dragon para siya saksakin at mukhang do or die na ito. Desididong tapusin na si Dolfo.

“Tapos ka na Dolfo! Um!’’

Pero muling nakailag si Dolfo at nagkaroon siya ng pagkakataong mapalo muli ito sa kaliwang pisngi. Ubos lakas ang binigay niya.

“Hayop ka, um!’’

Dahil sa lakas, naka-kita ng estrelya si Dragon. Napasubsob. Dumugo ang pisngi.

Nang mga sandali namang iyon ay papanhik na ng hagdan si Manong Naldo. Alam na niya ang nangyayari dahil yumayanig ang kubo dahil sa labanan ng dalawa.

Binunot na niya ang itak sa tagiliran para saklolohan si Dolfo. Tatagpasin niya ang ulo ng kalaban.

“Dolfo ako na ang tatapos sa demonyong ‘yan. Isang taga lang ‘yan!’’

“Huwag Kuya Naldo. Kayang-kaya ko ‘ito. Kailangang mahuli natin nang buhay para mabulok ito sa bilangguan.”

“Baka masaksak ka!”

“Hindi Kuya Naldo.’’

Pero malakas pa rin talaga si Dragon. Nagpa­hinga lang at muling du-maluhong ng saksak.

“Akala mo panalo ka na ha! Um!’’

Pero nakahanda si Dolfo. Pinuntirya ang kamay na may hawak na patalim. Ubos lakas na palo at nabitiwan nito ang patalim.

Aringking sa sakit. Natumba.

Mabilis na dumalo si Manong Naldo.

“Itali natin ang demonyo. Eto may tali ako!”

(Itutuloy)

Show comments